• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos kumpirmahin ang relasyon nila ni Heaven Peralejo, mariing itinanggi ni Kiko Estrada na niloko niya ang kanyang dating nobya na si Devon Seron.

Kiko Estrada, itinangging niloko ang ex na si Devon Seron

Matapos kumpirmahin ang relasyon nila ni Heaven Peralejo, mariing itinanggi ni Kiko Estrada na niloko niya ang kanyang dating nobya na si Devon Seron.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/25/2021 09:19 AM
Kiko Estrada, itinangging niloko ang ex na si Devon Seron
Photo Credit: @jasondiazejercito and @devonseron Instagram

Matapos kumpirmahin ang relasyon nila ni Heaven Peralejo, mariing itinanggi ni Kiko Estrada na niloko niya ang kanyang dating nobya na si Devon Seron.

Sa panayam ni Ogie Diaz para sa kanyang vlog, sinabi ni Kiko na taliwas na lumabas na bali-balita ay hindi niya pinagsabay ang dalawa. 

Paliwanag ng aktor, isang buwan na silang hiwalay ni Devon noong nagsimula silang naging malapit ni Heaven, na co-star niya sa ABS-CBN drama series na Bagong Umaga.


"Me and Devon broke up on Valentine's Day 2021, and then me and Heaven [started talking a month after]. Pero we were still not together at that point. We were just talking, and trying to get to know each other," aniya.

Ayon kay Kiko, hindi niya inasahan na magiging malapit siya kay Heaven sa gitna ng kontrobersiyang kinaharap nilang dalawa.

"Through the hardship, through the issue – we became closer. I [never expected] na magiging kami]," sabi niya.

BASAHIN: Heaven Peralejo and Kiko Estrada reveal relationship

Giit pa ng aktor, hindi siya manloloko at hindi rin mang-aagaw si Heaven.

"I am not a cheater. [Heaven]'s not a third party. There's nothing like that that happened. Kasi kung totoo, tatanggapin ko," aniya.

"I mean, we have to live with it, di ba? Because it’s the truth and the truth will set you free. But this is not the truth."

Nito lamang Agosto nang aminin nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon matapos ang ilang buwang pagkakaugnayan sa isa't isa.

 

 

Pag-amin ni Kiko, lubos silang naapektuhan ni Heaven sa naging reaksyon ng publiko kaugnay ng kanilang relasyon.

"Tao rin [kami]. Masakit rin sometimes when you hear those things, especially when it's not true. Gusto mo na lang, like, what's the right avenue? What's the right way to say it? Dededmahin ko na lang ba? But I can't right now because the person I love is really hurt," aniya. 

"It sucks kasi imbes na masaya kayo, imbes na masaya siya, I can't give that to her," dagdag pa niya. 

BASAHIN: Heaven Peralejo denies involvement in Devon Seron-Kiko Estrada breakup

Samantala, naging bukas din si Kiko sa naging hiwalayan nila ni Devon, na naging nobya niya ng dalawang taon bago ang kanilang hiwalayan noong Pebrero.

"It was not a good breakup, but it was a breakup," aniya.

Nang tanungin ni Ogie kung magkaibigan ba sila ni Devon ngayon, sagot ng aktor: "Civil, I think that's the perfect word for that. Civil.

"And I wish her the best, and I hope she gets the best because she deserves it."

Para naman sa pamilya ni Devon, sinabi ni Kiko na hiling niya ang kapatawaran ng mga ito.

"I respect their whole family. I know they are hurt with what happened, and I'm sorry if I hurt them as a family. I never intended to. But I just hope they stop, I just hope they move on," aniya. 

Ayon pa kay Kiko, kung mayroon man siyang naging kasalanan, iyon ay mabilis siyang naka-move on sa hiwalayan nila ni Devon. 

"But there was no overlapping. I was hurt, too. I didn't want to leave her, but the situation caused it. Nangyari na 'yung nangyari," aniya.

"Hindi ko naman siguro kasalanan na I moved on. And you know, sino bang hindi gustong mag-move on sa nakaraan? Who doesn’t want to find happiness kung malungkot ka?” dagdag pa niya.

Sa huli, pinasalamatan ni Kiko ang mga taong nagpakita ng suporta sa kanila ni Heaven sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nila. 

"I want to thank the people who understands me, Heaven, and the situation. I want to thank them for truly knowing the truth, and not judging and thinking of the bigger picture rather than believing something that that's not even true. It takes a big person to do that," aniya.

Nagbigay din siya ng kanyang mensahe sa nobya na si Heaven.

"Keep strong. We're going to get through this. You're going to get through this. You're stronger, you're beautiful, you're kind, you're generous, you're loving. So all these adversities we're going through, fight through it," aniya.