Nakalabas na ng ospital ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno matapos ang ilang araw na pananatili sa Sta. Ana Hospital dahil sa COVID-19.
Salamat po sa Diyos. pic.twitter.com/iYwaYiZhc5
— Isko Moreno Domagoso (@IskoMoreno) August 25, 2021
Ibinahagi ng Manila Public Information Office (MPIO) ang mga litrato ni Isko habang papalabas ng Manila Infectious Disease Control Center ng Sta. Ana, Manila.
Pahayag ni Isko sa isang panayam, wala na umano siyang naramdamang sintomas sa ika-limang araw ng kanyang pagkaka-confine sa ospital.
"May awa ang Diyos talaga," aniya.
Sampung araw na nanatili si Isko sa nasabing ospital.
READ: Mayor Isko Moreno hospitalized for COVID-19
Sa isang litrato, makikita ang isang larawan ni Isko na hawak ang isang papel na may nakasulat na, “I am a COVID-19 survivor.”
Samantala, nilinaw naman ng MPIO na dadaan muna sa tatlong araw na isolation si Isko bago bumalik sa kanyang mga tungkulin sa kapitolyo ng bansa.
ALERTO BALITA: Nakalabas na ng Manila Infectious Disease Control Center ng Sta. Ana Hospital si Punong Lungsod @IskoMoreno matapos gumaling mula sa sakit na COVID-19. #AlertoManileno #COVID19PH pic.twitter.com/yNAodvtMjZ
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) August 25, 2021
Hindi naman sinabi ng MPIO kung sa isang quarantine facility o sa bahay lang magho-home isolation si Isko.
Agosto 15 nang magpositibo si Isko sa COVID-19.
Maliban kay Isko, nagpositibo din ang bise-alkalde ng Maynila na si Honey Lacuna.