• Home
  • Fresh Scoops
  • Paniwala ng maraming netizens, ang vlogger couple na JaMill ang tinutukoy ng BIR.

BIR, hahabulin ang couple vlogger na kumita umano ng 50 hanggang 100 milyong piso

Paniwala ng maraming netizens, ang vlogger couple na JaMill ang tinutukoy ng BIR.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/25/2021 08:49 AM
BIR, hahabulin ang couple vlogger na kumita umano ng 50 hanggang 100 milyong piso

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na sisingilin nito ang isang couple vlogger na kumikita ng mahigit 50 hanggang 100 milyong piso. 

Bagama’t hindi ipinangalanan, duda ang marami na ang mga magkasintahan na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad na kilala bilang JaMill ang tinutukoy ng BIR.

 


 

 

 

Ito ay matapos magdesisyon ang dalawa na burahin ang kanilang YouTube channel na may mahigit 12 milyong subscribers kasunod ng pag-anunsyo ni BIR na papatawan nila ng buwis ang mga socal media influencers na kumikita sa mga plataporma gaya ng Facebook at YouTube. 

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 97-2021 o Taxation of Any Income Received by Social Media Influencers na pinirmahan ni BIR Commissioner Caesar Dulay, kailangan nang magbayad ng buwis ng mga influencers. 

Nagdesisyon umano ang BIR na patawan ang mga social media influencers matapos silang makatanggap ng mga reklamo na hindi umano nakarehistro ang mga ito sa kabila ng malaki nilang kinikita. 

“The Bureau of Internal Revenue (BIR) has been receiving reports that certain social media influencers have not been paying their income taxes despite earning huge income from the different social media platforms,” ani ng BIR Commissioner. 

Dagdag pa nito: “There are also reports that they are not registered with the BIR or are registered under different tax types or line of business but are also not declaring their earnings from social media platforms for tax purposes. Whatever may be the reasons, it is now the most opportune time to discuss the tax obligations of these social media influencers.” 

Giit naman ni BIR Deputy Commissioner for Legal Group na si Atty. Marissa Cabreros, wala umanong dapat ikatakot ang mga social media influencers na hindi hihigit sa 250,000 piso ang kinikita. 

“Wala ho silang dapat ikatakot. 'Yung obligasyon po ng pagrerehistro ay magkaiba po 'yan sa pagbabayad ng buwis. Kailangang magparehistro sila dahil they are considered engaged in business,” ani Marissa. 

“Pangalawa, when you are registered on BIR, they are required to pay taxes. Kung ang annual net income niyo po ay hindi naman lalagpas sa P250,000, wala pong babayarang income tax po 'yan. Kaya 'yung mga nagsasabi ng 'maliit lang kami,' wala po silang dapat ikatakot,” dagdag pa nito. 

Paliwanag ng JaMill nang binura nila ang kanilang channel, gusto umano nilang gawing nilang prayoridad ngayon ang kanilang relasyon kaya nila ito nagawa. 

“Sobrang saya nang na-experience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang relasyon namin dalawa. Gusto namin habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga kaibigan,” ani ng JaMill. 

READ: JaMill, burado na ang YouTube channel

Sa isang anunsyo na inilabas ng BIR sa PTV-4, sinabi nito na hindi umano makakatakas ang natukoy na vlogger couple kahit pa binura na nila ang kanilang social media channel.