• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman supports Julia Montes joining the ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ cast.

Yassi Pressman on Julia Montes playing Coco Martin’s ‘huling pag-ibig’ in ‘FPJ’s Ang Probinsyano’: ‘Sigurado po ako na inaabangan ng lahat’

Yassi Pressman supports Julia Montes joining the ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ cast.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/24/2021 06:44 PM
Yassi Pressman on Julia Montes playing Coco Martin’s ‘huling pag-ibig’ in ‘FPJ’s Ang Probinsyano’: ‘Sigurado po ako na inaabangan ng lahat’
Photo credit: @yassipressman @juliamlovers08 IG

Inamin ni Yassi Pressman sa PUSH na masaya siya sa pagpasok ng karakter ni Julia Montes sa longest-running action serye na FPJ’s Ang Probinsyano na napapanood sa Kapamilya channel.

“Definitely a great move!” simulang tugon ni Yassi sa tanong namin kung ano ang reaksyon niya na magiging bahagi na rin ng FPJAP si Julia.  Nakausap ng PUSH si Yassi sa ginanap na digital presscon ng Viva nitong Lunes, August 23.

Si Yassi na gumaganap ng karakter ni Alyanna na nagsilbing “unang pag-ibig” ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay sa naturang action serye. Limang taon ding naging bahagi ng FPJAP si Yassi. Si Julia naman, base sa trailer ng pelikula ang sinasabing “huling pag-ibig” ni Cardo.


PANOORIN: Stunt training ni Julia Montes para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, viral sa social media

Dagdag na pahayag pa ni Yassi, “I am so excited. Nung nakita ko, sabi ko, this is definitely a great move. Kasi po, sigurado akong nami-miss ng lahat ng mga tao si Julia Montes.

“Ang tagal-tagal niya po nagpahinga siguro. I don’t know what she did, but I’m sure it was great for her. And for her to be coming back sa Ang Probinsyano, sigurado po ako na inaabangan ng lahat.”

Muli ay nag-wish ng good luck si Yassi sa panibagong yugto ng action seryeng pinagbibidahan ni Coco.

“I just wish them the best kasi alam ko po na kahit anong gawin ng Ang Probinsyano family, it will always going to be hard, pinag-isipan na mabuti at laging exciting,” lahad pa ng aktres.

Nagpaalam si Yassi sa FPJAP noong January 2021 dahil sa conflict of schedule. After acting ay pinasok niya naman ang pagho-host ng game show na Rolling In It sa  TV5.

Aminado si Yassi na nahirapan talaga siyang kumalas noon sa karakter ni Alyanna pero ngayon daw ay nakaya na niya itong iwanan.

“It was hard, opo. Sobrang mahirap po  to take myself always from Alyanna kasi po  parang naging ako na po siya dahil sa araw-araw po naming pagte-taping dala-dala ko na po talaga siya. Hindi ko po siya makakalimutan pero kinaya ko na po siyang itabi for now to play new characters, new experiences and new projects,” paliwanag niya.

ON NADINE LUSTRE

Ang Diary ng Panget, na ipinalabas sa mga sinehan noong April 2014, ang isa sa mga hindi malilimutang pelikula ni Yassi.

Dito kasi nabuo ang pagkakaibigan nila nina Nadine Lustre, James Reid, at Andre Paras.

Samantala, hindi rin naiwasang ungkatin kay Yassi kung ano ang reaksyon niya sa balitang nakikipag-usap na ulit sa Viva ang kaibigan niyang si Nadine Lustre.

“I have nothing to say. Hindi po ako kasali. But I love my Viva family and I love my friend Nadine, and I hope things get better.

“Actually, I don’t know what’s going on. Wala po akong masasabi,” matipid na reaksyon ni Yassi na sinundan ng matamis na ngiti.

Meanwhile, Yassi will star in the much-anticipated Philippine remake of the Korean hit  movie More Than Blue na nag-premiere noong 2009. Meron din itong Taiwanese remake kumita ng 300 million dollars noong 2018.