• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon sa Dreamscape Entertainment, sumabak na sa taping si John Estrada kasama ang bida ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Coco Martin.

John Estrada balik Kapamilya, sasabak sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ayon sa Dreamscape Entertainment, sumabak na sa taping si John Estrada kasama ang bida ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Coco Martin.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/24/2021 03:21 PM
John Estrada balik Kapamilya, sasabak sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo Credit: @dreamscapeph Instagram

Balik Kapamilya na ang aktor na si John Estrada.

Nitong Lunes, Agosto 23, kinumpirma ng Dreamscape Entertainment na magiging bahagi na si John ng ABS-CBN action-teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.

 


 

"Napakasaya ko. Dito ako nagsimula sa ABS-CBN. I'm happy to be back. Blessing sa akin na bumalik sa ABS-CBN at mapasama sa FPJ's Ang Probinsyano," ani ng aktor.

Dagdag pa ng Dreamscape, sumabak na sa taping ang aktor kasama ang bida ng palabas na si Coco Martin.

Hindi naman nila nabanggit kung ano ang magiging role ni John sa naturang palabas.

Matatandaan na 2018 pa noong huling napananood sa isang Kapamilya teleserye si John.

Naging parte siya ng sikat na drama series na The Good Son, na nagtapos noong Abril 2018. 

Bukod kay John, isa rin sa inaabangan sa Ang Probinsyano ang pagpasok ng aktres at napapablitang nobya ni Coco na si Julia Montes.

Mapapanood si Julia bilang pinakabago at "huling pag-ibig" ni Cardo Dalisay (Coco) sa ika-6 na taon ng naturang serye.

BASAHIN: Julia Montes starts taping for ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ilan din sa mga aabangang artista sa programa ay sina Joseph Marco, Vangie Labalan, Tommy Abuel, Marella Torre, at Rosanna Roces.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.