• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin na fully vaccinated na siya laban sa coronavirus.

Angel Locsin, fully vaccinated na

Masayang ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin na fully vaccinated na siya laban sa coronavirus.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/24/2021 12:59 PM
Angel Locsin, fully vaccinated na
Photo Credit: @therealangellocsin Instagram

Masayang ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin na fully vaccinated na siya laban sa coronavirus.

Sa Instagram nitong Lunes, Agosto 23, nagbahagi si Angel ng kanyang retrato habang binabakunahan sa isang paaralan sa Muntinlupa City.  

Sa kanyang caption, nagpasalamat si Angel sa mga volunteer doctor, nurse, at staff ng Muntinlupa para sa kanilang serbisyo.


"How about you? Have you been vaccinated or when’s your next dose?" patuloy pa ng aktres.

 

 

Bago si Angel, nauna nang nabakunahan laban sa COVID-19 ang kanyang mga magulang na sina Angelo at Emma Colmenares.

 

 

Maging ang film producer at asawa ng aktres na si Neil Arce ay vaccinated na rin laban sa nasabing virus.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

 

Ikinasal sina Angel at Neil sa isang civil ceremony sa Taguig City nitong Hulyo, bago nagsimula ang ECQ sa Manila.

BASAHIN: Angel Locsin and Neil Arce share details about their ‘simple pero rock’ wedding

2019 pa nang inanunsyo ng magkasintahan ang kanilang engagement. Ayon sa dalawa, dapat ay ikakasal na sila Nobyembre noong nakaraang taon pa, ngunit napilitan silang i-postpone ang kanilang wedding dahil sa pandemya.