• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din nina Angel Locsin at Neil Arce ang mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa kanila.

PANOORIN: Angel Locsin at Neil Arce, ano nga ba ang madalas pag-awayan?

Ibinahagi din nina Angel Locsin at Neil Arce ang mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa kanila.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/23/2021 09:20 AM
PANOORIN: Angel Locsin at Neil Arce, ano nga ba ang madalas pag-awayan?
Screenshot from Karen Davila YouTube Channel

Ibinahagi ng mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce ang madalas na pinag-aawayan nilang dalawa kahit noong hindi pa man sila ikasal. 

 

 

Sa panayam nina Angel at Neil kay ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila, naging bukas ang bagong kasal tungkol sa kanilang buhay bilang magkarelasyon kabilang na ang paggising nila sa umaga. 

Ani Angel, walang katumbas ang mga simpleng bagay na ipinaparamdam at ipinapakita sa kanya ni Neil.

“I love ‘yung mga good nights and good morning. ‘Yung mga good morning dance niya. Yung mga ganoong kasimpleng bagay. Kilala ko na siya pero yung ganong bagay na hindi namin na-eexperience before. For me, priceless siya,” ani Angel. 

READ: Angel Locsin and Neil Arce get married

Para naman kay Neil, malaking bagay para sa kanya ang nakakasama niya si Angel lalo pa’t nakakatulong umano ito upang maibsan ang kanyang takot lalo na sa mga panahong ito. 

“When I wake up at night and I feel a little bit scared or something, kailangan ko lang kumapa sa tabi ko and I know she's there. It might sound shallow pero it is so important. It keeps you sane, especially during these trying times,” ani Neil. 

 

 

Samantala, masaya naman si Angel dahil nandiyan umano para sa kanya si Neil kahit ano man ang mangyari. 

“Never niya sa ‘kin pinaramdam na mag-isa ako. May mali ako, tama man ako, nandyan siya. Hahawakan niya kamay ko. Ipaparamdam talaga niya na we're partners. ‘Yun ang kailangan hanapin ng bawat kababaihan sa mapapangasawa niya,” Angel. 

READ: Angel Locsin and Neil Arce give a tour of their house: ‘Welcome to our home!’

Dito, inamin naman ng mag-asawa na mayroon silang kanya-kanyang bank account. 

“Napag-usapan namin ni Neil na we have separate bank accounts pero meron din kaming isang joint,” ani Angel.

Nang tanungin kung ano ang madalas nilang pinag-aawayan, sinabi ng mga ito na maliit lang ang madalas nilang pagtalunan. 

“Ang pinag aawayan namin, sino magbabayad ng bill sa restaurant. Nagagalit siya sa ‘kin. 'Ako na ito. Ang dami kong in-order,’” ani Neil.

Panoorin ang video sa ibaba: 

Ikinasal sina Angel at Neil nitong Hulyo na dinaluhan lamang ng ilan sa mga taong malalapit sa kanila. 

Dapat ay ikakasal sina Angel at Neil noong Nobyembre nang nakaraang taon ngunit hindi ito natuloy dahil sa pandemya. 2019 naman nang ma-engage silang dalawa.