Sinabi ni Kris Aquino na hindi umano siya magpapatibag sa mga isyung ibinabato sa kanyang pamilya sa pagdiriwang ng ika-38 na anibersaryo ng kamatayan ni Benigno “Ninoy” Aquino.
Sa isang Instagram post, nagbigay-pugay ang tinaguriang Queen of All Media sa kanyang yumaong ama.
READ: Kris Aquino recalls how she was encouraged by her father Ninoy to pursue her dreams
Pagbabahagi ni Kris, si Ninoy ang unang tao na naniniwala na sisikat siya sa kabila ng babala ng kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino.
“Dad, you were the first one who truly believed that your baby was destined to become a star despite the impossible odds & all of mom's warnings... AND for being the FIRST man to ever call me beautiful,” saad ni Kris sa kanyang post.
Sa parehong post, sinabi ni Kris na hindi siya magpapatibag sa kabila ng patuloy na pambabatikos sa kanilang pamilya.
“Patuloy man nilang ibato ang lahat ng walang kwentang paninira sa pamilya natin, HINDI ako papayag na matibag—because my HERO instilled REAL STRENGTH in me,” ani Kris.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Kris kung bakit niya isiningit sa kanyang post ang tungkol sa isang sikat na e-commerce brand.
READ: ‘He worked hard to win my love’: Kris Aquino remembers dad Ninoy on his death anniversary
Ani Kris, siya dapat ang maghu-host ng isang online event upang salubungin si Jackie Chan sa Shopee ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa kanyang sakit.
“I was supposed to host the 8/19 media launch to welcome the legend, Jackie Chan to the #Shopee family but needed to back out because hindi talaga kinaya. That’s not the work ethic instilled in me by my parents but my autoimmune has made me much more vulnerable,” saad ni Kris.
Dagdag pa niya: “Today I gave it my all to do my voice overs for our 9/9 @shopee_ph TV special and my dad would surely understand because I was raised to not submit work that’s just good enough.”
Nangako naman si Kris na gagawa siya ng tribute para sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
“They deserve for me to do that when my prod team is complete and you will all get to view my thoughts and feelings in the way na hindi ako mapapahiya sa kanila. I guess that means waiting until after MECQ is lifted,” ani Kris.
Tingnan ang kanyang post sa ibaba:
Ipinagdiriwang ang Ninoy Aquino Day tuwing Agosto 21.