• Home
  • Fresh Scoops
  • Naiintindihan umano ng pamunuan ng Baguio ang naging desisyon ng pamilya ni Arjo Atayde na isugod ang aktor sa isang ospital sa Maynila.

Arjo Atayde, pinayagang ipagpatuloy ang paggawa ng pelikula sa Baguio

Naiintindihan umano ng pamunuan ng Baguio ang naging desisyon ng pamilya ni Arjo Atayde na isugod ang aktor sa isang ospital sa Maynila.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/23/2021 04:43 PM
Arjo Atayde, pinayagang ipagpatuloy ang paggawa ng pelikula sa Baguio
Photo Credit: @arjoatayde Instagram

Maaari nang bumalik sina Arjo Atayde sa Baguio City upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawang pelikula. 

 

 

Mismong si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair na si Liza Diño ang lumapit kay Benjamin Magalong upang kausapin ang alkalde ng Baguio City tungkol sa nasabing isyu. 

“As FDCP has been informed of the incident with the Feelmaking Production in Baguio City, I personally reached out to Mayor Benjie Magalong to discuss the details and how we can help address the concerns,” saad ni Liza. 

Naayos na rin umano ang hindi pagkakaunawan sa pagitan ng pamunuan ng Baguio City at ng Feelmaking Productions matapos ang naging pakikipag-ugnayan ng dalawang partido. 

READ: Baguio City Mayor orders probe into Arjo Atayde’s alleged breach of health protocols; production company issues statement

Naiintindihan na rin umano ng alkalde ng Baguio kung bakit kinailangan ng pamilya ni Arjo na isugod pabalik ng Maynila ang aktor. 

“As regards to the case of Mister Arjo Atayde, the Mayor acknowledged the actions of his family to rush him to the hospital. Any worried parent would react the same but at the same time, he reiterated the importance of compliance to the protocols set by the government to ensure the safety of the community,” ani Liza. 

Gayunpaman, binigyang-diin naman ng Baguio City Mayor na kailangan pa rin umanong sumunod ng mga nagnanais na gumawa ng pelikula sa kanilang siyudad. 

“He also emphasized that while Baguio has been accommodating to film shoots, restrictions are in place to keep everyone safe and that must be strictly followed,” ani Liza. 

 

 

Samantala, masayang namang ibinahagi ni Liza na maaari nang makabalik sina Arjo sa Baguio upang ipagpatuloy ang paggawa ng pelikula. 

“Finally, and for me, isang napakagandang balita para sa ating sektor, Mayor Magalong asked me to share with the film sector that Baguio is still open to production shoots and that filming is welcome as long as coordinated properly with relevant agencies like FDCP and DOLE and most importantly, the City of Baguio,” ani Liza. 

READ: Maine Mendoza defends Arjo Atayde from netizen: ‘There’s so much you do not know about the story’

Dagdag pa nito: “He also said that should the Feelmaking production team choose to finish their production in Baguio, they may still do as long as details are coordinated with the City and compliance to protocols will be strictly observed.” 

Tingnan ang buong post sa ibaba: 

Sa ngayon, patuloy ang pagpapagaling ni Arjo laban sa COVID-19.