• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanguna si Maureen Wroblewitz sa panibagong challenge ng Miss Universe Philippines 

Maureen Wroblewitz, wagi sa casting challenge ng Miss Universe Philippines

Nanguna si Maureen Wroblewitz sa panibagong challenge ng Miss Universe Philippines 

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/22/2021 09:09 PM
Maureen Wroblewitz, wagi sa casting challenge ng Miss Universe Philippines
Photo Credit to Empire Philippines YouTube Channel

Muli na namang nagpasiklab ng representate ng Pangasinan na si Maureen Wroblewitz sa panibagong challenge ng Miss Universe Philippines.  

Sa nasabing challenge, kinailangan ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines na humarap sa camera na suot lamang ang puting damit at walang makeup upang mas makita ang iba’t-ibang anggulo ng kanilang mukha ng mas masinsinan.  

Tingnan ang video sa ibaba:  


Dito, nagpanggap ang mga kandidata na kasali umano sa isang casting video.  

Binase ang mga nanalo sa fan votes na ginawa sa official ng app ng Miss Universe.  

Samantala, inanunsyo naman ang mga nakapasok sa Top 15 nitong Sabado, Agost 21.  

Read: Maureen Wroblewitz explains reason for keeping Miss Universe Philippines stint a secret

Maging ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Kisses Delavin at mga kilalang personalidad sa social media gaya nina Ayn Bernos, Kamille Alyssa Quiñola, Cheri Flejoles, Noelyn Rose Campos, at Maria Corazon Abalos ay nakapasok din sa Top 10. 

Narito ang listahan ng mga nakapasok sa Top 15 ng casting challenge.  

Maureen Christa Wroblewitz 

Leren Mae Bautista 

Steffi Rose Aberasturi 

Kirsten Danielle Delavin 

Katrina Dimaranan 

Rousanne Marie Bernos 

Kamille Alyssa Quiñola 

Cheri Angel Anne Flejoles 

Noelyn Rose Mabuhay Campos 

Maria Corazon Abalos 

Gianne Kryssee Tecson Asuncion 

Mirjan S. Hipolito 

Christelle Abello 

Victoria Velasquez Vincent 

Beatrice Luigi Gomez 

 

 

Isa lamang ang casting challenge na na isinagawa sa kasulukang edisyon ng Miss Universe Philippines.  

Ilan sa mga challenges na ginawa ng mga kandidata ng Miss Universe ang runway challenge na ipinananlo ni Steeffi Rose Aberasturi, headshot challenge at video introduction challenge naman na pinangunahan ni Kisses Delavin.  

Read: WATCH: Kisses Delavin’s Miss Universe Philippines official candidate video

Binuo ng 100 kandidata ang mga pambato ng Miss Universe Philippines ngayong taon. Noong Agosto 8, 75 na lamang ang naging bilang ng mga kandidata.  

Bagama’t wala pang ibinigay na eksaktong petsa, inaasahang na malapit nang ianunsyo ang Top 50 na kandidata ng kompetisyon.   

Samantala, haharap naman ang 30 mapipiling kandidata sa gaganapin na live pageant sa Setyembre 25.