• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Verzosa on her launching film: ‘I’m willing to risk my life for this’

Kylie Verzosa not afraid to take risk in launching film ‘The Housemaid’

Kylie Verzosa on her launching film: ‘I’m willing to risk my life for this’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/21/2021 11:41 AM
Kylie Verzosa not afraid to take risk in launching film ‘The Housemaid’

Kahit may patuloy na banta ng COVID-19 ay hindi natakot ang beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa na gawin at tapusin ang launching movie niyang The Housemaid sa Viva Films. Ani Kylie, nag-take talaga siya risk habang sinu-shoot ang pelikula at mabuti na lang daw at hindi siya na infect ng virus.

WATCH: Kylie Verzosa shows different side in ‘The Housemaid’ official trailer

“Ako po talaga as a person hindi ko kayang mag-sitting pretty. Gusto ko talaga magtrabaho at pag wala akong ginagawa maghahanap talaga ako ng gagawin kaya kapag sinasabi nilang mag-taping tayo, game talaga ako as long as gusto ko yung materyal,” lahad niya sa PUSH at sa iba ang entertainment press sa ginanap na digital mediacon ng The Housemaid na mapapanood sa iWantTFC, Vivamax, KTX, at TFC IPTV sa September 10, 2021.


the housemaids kylie versoza film

Dagdag pa ni Kylie, “I’m willing to risk my life for this. Masasabi ko naman na we had a safe experience dito sa pag-shoot namin.”

Ang The Housemaid ay Pinoy  adaptation ng acclaimed 2010 Korean film The Handmaiden na isang psychological thriller. Kasama ni Kylie sa pelikulang idinirek ni Roman Perez Jr. sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Louise delos Reyes, at Alma Moreno.

READ: Kylie Verzosa and Christian Bables join forces for new Joel Lamangan film

“Sobrang I can’t even believe on how to explain how grateful I am to have supporting cast like this. Yung makasama ko lang po si Ms. Jaclyn, si kuya Albert at si Louise parang wow, nakakataba ng puso.  Sobrang honored at hindi n’yo lang alam sobrang kinikilig ako kay Ms. Jaclyn at kay kuya Albert.

“Sobrang supportive ni kuya Albert sa alam n’yo na (love scenes), itinago ko na lang sa sarili ko, ‘Oh my God, this is a big scene I have to do my job well.’  Tapos pag tapos na, sasabihin niya, ‘Good job’ kaya sobrang na-appreciate ko yon,” kuwento ng dalaga sa kanyang karanasan habang ginagawa ang pelikula.

May matinding love scenes si Kylie kay Albert sa erotic thriller movie na hindi raw siya nagdalawang isip na gawin dahil malaki ang tiwala niya sa direktor ng pelikula.

“Maganda yung pagkagawa, kaya sobrang na-appreciate ko si Direk Roman matatawag talagang actors’ director. Prepared talaga lahat ng shots ni direk, iko-compare mo talaga ang movie namin sa original (2010) or maybe even better pa.  At saka si Direk Roman available talaga siya 24/7 para sa mga questions ko,” sabi pa ni Kylie.

“Hindi po ako gagawa ng movie para magpa-sexy lang o bold. Dapat po maganda yung materyal, yung direktor, kaya nagpapasalamat po ako sa Viva kasi ganito yung mga gusto kong movie talaga suspense-thriller,” giit pa niya.

Pinasalamatan din niya ang boyfriend na si Jake Cuenca sa pagiging supportive nito sa kanyang launching film.

“I considered him na he’s my mentor. Sa kanya ako nanghihingi ng advises at siya rin ang acting coach ko. Siya rin ang isa sa nagko-convince sa akin na, ‘Gawin mo yan, magandang project yan.’  Sobrang supportive talaga ni Jake sa career ko,” pagmamalaki pa ng dalaga.

Sa The Housemaid ay gagampanan ni Kylie ang character ni Daisy, isang yaya na magkakaroon ng illicit sexual relationship sa kanyang boss na si William (Albert), isang maimpluwensiyang bilyonaryo na tatay naman ng inaalagaan niyang bata.

“It’s hard kasi si Daisy is sobrang hindi ako in real life. Not one of her characteristics is mine, kaya sobrang layo talaga sa personality ko. Hindi siya matalino, not educated, she just follows her heart. Yaya lang talaga siya, a wall flower na walang confidence sa sarili, at yon ang challenge, yung magmukha talaga akong yaya,” paglalarawan ni Kylie about her character in the film.