JaMill, burado na ang YouTube channel

Tuluyan nang inalis ang YouTube channel ng JaMill.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/20/2021 02:15 PM
JaMill, burado na ang YouTube channel
Screenshot from Jamill Facebook

Tuluyan nang umalis sa YouTube ang magkasintahang sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat o mas kilala bilang JaMill. 

 

 

Kinumpirma mismo ni Camille ang balitang ikinagulat ng kanilang mga tagahanga sa kanyang Twitter account. 

“JaMill is now signing off. Pero Jayzam & Camille is [forever],” saad ni Camille. 

 

 

Paglilinaw naman ng dalawa sa kanilang Facebook page, hindi umano prank ang kanilang inilahad sa social media. 

“Deleted na talaga YT namin. Hindi joke o prank o kung ano,” ani ng Jamill. 

Ipinaliwanag nila na ginawa nila ito upang gawing prayoridad ang kanilang relasyon ngayon.

“Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang relasyon namin dalawa. Gusto namin habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga kaibigan,” ani ng JaMill. 

Panoorin ang video sa dito:

Nitong Hulyo lamang, natanggap ng JaMill ang kanilang Diamond Play Button Award matapos makalikom ng mahigit sampung milyong followers sa kanilang YouTube channel.

Samantala, nag-iwan naman si Jayzam ng payo sa kanilang mga tagahanga. 

“Don’t cry because it’s over, smile because it happened,” ani ni Jayzam. 

 

 

Nitong Abril lamang, naging usap-usapan ang naging hiwalayan nina Camille at Jayzam dahil sa umano’y pambabae ng huli. 

READ: Camille Trinidad nagsalita na tungkol sa umano’y isyu ng pambabae ni Jayzam Manabat

Ikinagulat naman ng marami ang kanilang biglaang pagbabalikan sa kabila ng kanilang kaliwa’t-kanang batuhan ng salita sa social media.