• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi naman ni Neil Arce na handa na sila ni Angel Locsin na bumuo ng sarili nilang pamilya.

Angel Locsin, handa na nga bang maging ina sa anak ni Neil Arce?

Sinabi naman ni Neil Arce na handa na sila ni Angel Locsin na bumuo ng sarili nilang pamilya.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/20/2021 04:30 PM
Angel Locsin, handa na nga bang maging ina sa anak ni Neil Arce?
Photo Credit: @therealangellocsin Instagram

Matapos ikasal ni Angel Locsin, handa na nga ba siyang sumabak sa isang panibagong tungkulin bilang isang ina? 

 

 

Sa panayam ni Angel sa podcast ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila,  naitanong sa aktres kung handa na siyang maging ina sa katorse anyos na anak ng kanyang napangasawa.

Pag-amin ni Angel, maging siya ay hindi pa alam kung ano ang itatawag sa kanya dahil mayroon naman umano itong mommy na pinaprayoridad ang pag-aalaga sa kanya. 

“Actually hindi ko rin po alam kung anong tawag sa akin kasi may mommy naman po siya. 'Yung mommy niya sobrang nakatutok sa kanya, mabait, sobrang kalog na tao din talaga and priority din talaga siya,” saad ni Angel. 

 

 

Dagdag pa ng aktres, masaya na siya na ang itunuturing siya bilang tiyahin ng anak ni Neil. 

“Hindi ko naman sinisingit 'yung sarili ko sa picture. I am happy na tawagin akong Tita Angel. Wala akong problema doon. Kung tawagin niya ako ng kahit ano, walang problema sa akin,” ani Angel. 

Masaya naman si Angel na maging bahagi ng “modern family” ni Neil lalo pa’t  lumaking mabait ang anak nito. Gayunpaman, handa na umano ang dalawa na bumuo ng sarili nilang pamilya. 

READ: Angel Locsin and Neil Arce get married

Sinabi naman ni Neil na mas gusto niya na isa lamang ang kanilang magiging anak lalo pa’t only child umano siya. Ngunit nilinaw naman nito na hindi niya isinasara ang posibilidad na magkaroon ng pangalawang anak. 

“Ako po 'yung totoo, one lang pero maximum two. Only child ako eh so medyo gusto ko 'yung spoiled. At least medyo nakatutok din kami, hindi masyadong mahirap.”

 

 

Nang ikasal ang dalawa, sinabi ng ama ni Angel na gusto na niyang magkaroon ng apo mula sa dalawa lalo pa’t 94 anyos na ito. 

Ikinasal ng dalawa nitong nakaraang Hulyo. Dapat ay ikaaksal umano sila Nobyembre noong nakaraang taon ngunit hindi ito natuloy dahil sa pandemya. 

READ: Angel Locsin and Neil Arce share details about their ‘simple pero rock’ wedding

Umaasa naman ang dalawa na magkakaroon sila ng mas malaking kasalan upang makapagdiwang kasama ang kanilang mga malalapit na kapamilya at kaibigan.