• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakaligtas sa aksidente ang anak ni Ai-Ai Delas Alas na si Shaun Nicolo matapos na mahulog ang kanyang minamanehong sasakyan sa bangin dahil sa isang hit-and-run.

Anak ni Ai-Ai Delas Alas, nakaligtas sa car crash

Nakaligtas sa aksidente ang anak ni Ai-Ai Delas Alas na si Shaun Nicolo matapos na mahulog ang kanyang minamanehong sasakyan sa bangin dahil sa isang hit-and-run.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/18/2021 12:07 PM
Anak ni Ai-Ai Delas Alas, nakaligtas sa car crash
Photo Credit: @msaiaidelasalas Instagram

Nakaligtas sa aksidente ang anak ni Ai-Ai Delas Alas na si Shaun Nicolo matapos na mahulog ang kanyang minamanehong sasakyan sa bangin dahil sa isang hit-and-run. 

Nangyari ang aksidente sa US kung saan nakatira si Shaun. Sa Instagram, nagbahagi si Ai-Ai ng ilang retrato kung saan makikita ang nayuping sasakyan ng kanyang anak. Sa kanyang caption, tinawag na "milagro" ng komedyante ang pagkakaligtas ni Shaun sa nasabing car crash.

"Na-hit-and-run kotse niya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng DIYOS walang galos anak ko. Pero pina-x-ray pa rin siya para malaman namin kung wala siyang internal damage sa katawan niya. Pero grabe LORD, salamat po sa pagliligtas sa anak ko... Walang hanggang pasasalamat," ani Ai-Ai.


 

 

Sa hiwalay na post, ibinahagi ni Ai-Ai ang naging usapan nila ni Shaun kung saan tiniyak nito na walang nakitang problema sa kanyang x-ray at mayroon lang umano siyang pasa sa kanyang balakang. 

Muli namang nagpasalamat si Ai-Ai sa kanyang caption para sa pangalawang buhay ng anak.

"Walang galos pasa lang sa hips... kotse nahulog sa bangin... I PRAISE AND GLORIFY YOU LORD GOD... Salamat sa kabutihan mo at sa milagro ito sa buhay namin... Salamat sa pangalawang buhay ng anak ko si Shaun... I love you GOD... I love you LORD JESUS... I love you Shaun Nicolo," aniya. 

 

 

BASAHIN: Ai-Ai Delas Alas is now the proud wife of a pilot

2012 pa nang nag-migrate si Shaun sa US kasama ang kanyang kapatid na si Sofia. Ang dalawa ay anak ni Ai-Ai sa dating asawa nito na si Miguel Vera, isang balladeer. Bukod sa kanila ay may isa pang anak ang tinaguriang Comedy Queen na si Sancho, mula sa dati nitong karelasyon.