Kasabay ng pag arangkada ng Miss Universe Philippines Organization para sa nalalapit na coronation night ng annual beauty pageant ngayong September 25, napagdesisyunan naman ng Miss Universe Malaysia Organization na hindi ito magpapadala ng kandidata sa 70th edition ng Miss Universe.
READ: Israel to host 70th Miss Universe pageant
Sa pamamagitan ng isang statement sa kanilang social media account, sinabi ng Miss Universe Malaysia Organization na napagkasunduan nila na hindi muna magpadala ng kandidata sa upcoming pageant.
“We note the Miss Universe Organization’s decision to hold the 70th anniversary of the pageant in Eliat, Israel in December 2021.
“Unfortunately, due to worsening COVID-19 situation which has resulted in limited international and domestic travel, we have been unable to hold out local Miss Universe Malaysia 2021 pageant,” pahayag ng Malaysian Organization.
Si Francisca Luhong ang reigning Miss Universe Malaysia na nakalaban ng reigning Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa Florida, USA.
Sa ngayon, looking forward ang Miss Universe pageant fans sa iba’t ibang bansa sa nalalapit na 70th edition ng Miss Universe pageant sa Disyembre kung saan, ipapasa ng reigning Universe na si Andrea Meza ng Mexico ang korona sa bagong Miss Universe.