• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinuking ni Maja Salvador na sinubukan siya noong ligawan ng kanyang dating onscreen partner at matalik na kaibigan na si Enchong Dee.

Maja Salvador, sinubukan noong ligawan ni Enchong Dee

Ibinuking ni Maja Salvador na sinubukan siya noong ligawan ng kanyang dating onscreen partner at matalik na kaibigan na si Enchong Dee.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/17/2021 08:58 AM
Maja Salvador, sinubukan noong ligawan ni Enchong Dee
Screenshot from Meet Maja YouTube Channel

Ibinuking ni Maja Salvador na sinubukan siya noong ligawan ng kanyang dating onscreen partner at matalik na kaibigan na si Enchong Dee.

Sa kanyang pinakabagong vlog, kung saan naglaro sila ni Enchong ng sikat na drinking game na "Drink or Spill", pinangalanan ni Maja ang aktor bilang artista na sinubukan siyang ligawan pero tinanggihan niya. 

"Enchong Dee!" matapang na sagot ng aktres.


Halata namang nagulat si Enchong, na ilang segundong hindi nakapagsalita.

"Sorry," ani Maja. 

"Anong nangyari?" natatawang sagot ni Enchong. "Baka sabihin nila crush kita."

"Nanligaw ka nga 'no. Hello!" biro naman ng aktres, na sa huli ay nilinaw na matalik na silang magkaibigan ngayon ni Enchong.

BASAHIN: Maja Salvador explains why she chose not to fall in love with Rayver Cruz, Enchong Dee

Sa kanilang laro, matapang din na pinangalanan ni Maja ang artista na pinakana-enjoy niyang sampalin sa isang eksena.

"Well alam naman ng lahat na aso't pusa kami ni Coco (Martin). So may time na nakakagigil siya tapos may eksena na sasampalin ko siya kaya na-enjoy ko. Sorry, Cardo," ani Maja, na nakatrabaho si Coco sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano.

Samantala, tumanggi naman si Enchong na sagutin kung magkano ang pinakamalaking nagastos niya sa isang araw. Tumanggi rin siyang i-rank ang kanyang mga naging leading lady na sina Maja, Bea Alonzo, Jasmine Curtis-Smith, at Erich Gonzales base sa kanilang kagandahan.

Panoorin ang kanilang naging laro dito:

Nagsimulang maging malapit sa isa't isa sina Maja at Enchong nang magkatrabaho sila sa seryeng Ina, Kapatid, Anak noong 2012.