• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinatuwa ng kanyang fans nang ibinahagi ni Kim Chiu ang kanyang beauty regimen sa kanyang pinakabagong vlog.

Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang beauty secrets

Ikinatuwa ng kanyang fans nang ibinahagi ni Kim Chiu ang kanyang beauty regimen sa kanyang pinakabagong vlog.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/17/2021 12:52 PM
Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang beauty secrets
Screenshot from Kim Chiu PH YouTube Channel

Marami ang humahanga sa ganda ng aktres at It's Showtime host na si Kim Chiu.

Kaya naman ikinatuwa ng kanyang fans nang ibinahagi ni Kim ang kanyang beauty regimen sa kanyang pinakabagong vlog.


Ayon kay Kim, isa sa matagal na niyang ginagawa para mapanatiling sarado ang kanyang pores ay ang paggamit ng yelo sa mukha.

"Sa mga ginagamit ko na super effective talaga para mag-close 'yung pores is just put ice sa mukha. As in ice the entire face, hanggang sa mamanhid siya. I apply it every other day. Dati ko pang ginagawa 'to and until now ginagawa ko pa rin. Super effective naman. Not naman super perfect 'yung skin ko pero I think it works for me, and I think it will also work for you guys since meron tayong Asian skin and we live in a tropical country," aniya.

Nakakatulong din umano sa kanya ang pag-inom ng collagen araw-araw. 

"We take care of our skin outside, [but] we also have to take care of our skin inside. May skin ba sa inside? Basta sa loob ng katawan. So kailangan din natin 'yun alagaan. I always take collagen. Sinasabay ko sa coffee or siya lang talaga, as is," sabi niya.

Ang pag-iwas sa inflammation-causing food, partikular na ang sodium, ang sikreto ni Kim para ma-maintain niya ang kanyang maliit na mukha.

"We really have to avoid 'yung mga inflammation-causing food, lalo na 'yung maraming sodium. Nakaka-water retention siya, 'yung mga maaalat na pagkain, so nakaka-bloat siya ng mukha. Ang ginagawa ko naman, since hindi ko maiwasan, mahilig ako sa maalat, umiinom ako ng celery juice. Medyo mapait 'yun pero nilalagyan ko siya ng red apples. So pampatanggal naman 'yun ng inflammation. Or you can also drink ginger turmeric tea," aniya.

Pagdating naman sa kanyang bath essentials, paborito umano ni Kim ang paggamit ng body scrub.

"Lalo na 'yung Himalayan body scrub. Kapag sobrang bad vibes ako, maghi-Himalayan scrub ako sa buong body ko to get rid of that negative vibes... Minsan naman sea salt scrub. It's also super nice for the skin. Pampatanggal ng mga dry skin, dead skin and it rejuvenates your skin also kapag nagba-body scrub ka," paliwanag niya.

Samantala, nagbigay din ang aktres ng ilang beauty tips para sa kanyang mga fans.

"Avoid washing aggressively. Minsan kasi 'yung iba, wina-wash nila 'yung mukha nila then binababad nila doon 'yung facial wash. That's a big no-no. Pinakamatagal mo na na wash is 2 minutes. 'Yung iba kasi mga 15 minutes, 10 minutes nagwa-wash ng mukha. It's really a big no-no kasi natatanggal 'yung natural moisture ng face natin," aniya. 

Importante rin umano na mag-exercise para matanggal ang toxins sa katawan. 

"So I do work out like max na 'yung 5 times a week or less na 'yung 3 times a week. 'Yung workout talaga really produces endorphins in our body, mentally and physically. 'Yung endorphins kasi is the happy hormones na lumalabas sa ating body, and the more we work out, the more we feel happy," aniya.

Patuloy pa niya: "'Yun siguro 'yung nakakapagpa-young, kapag galaw ka nang galaw. Mapapawis mo 'yung stress mo, mapapawis mo 'yung mga toxins na galing sa mga food na kinakain mo. It also gives you a health lifestyle, a positive outlook in life, and nakaka-blooming din if alam mong maganda at healthy 'yung katawan mo. Work out at least 30 to 40 minutes a day, max na 'yung two hours, one hour. Basta gumalaw ka lang, Zumba, jumping rope, walking, running, anything na makakapagpa-happy sa inyo at pagpapawisan kayo, sobrang okay na 'yun."

BASAHIN: 'I've prayed for this day': Kim Chiu now fully vaccinated against COVID-19

Napapanood si Kim bilang host sa It's Showtime araw-araw sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.