• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Dindi Pajares ang pambato ng Pilipinas sa upcoming Miss Supranational pageant sa Malopolska, Poland.

Bataan beauty Dindi Pajares, early favorite sa 2021 Miss Supranational

Si Dindi Pajares ang pambato ng Pilipinas sa upcoming Miss Supranational pageant sa Malopolska, Poland.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/17/2021 04:03 PM
Bataan beauty Dindi Pajares, early favorite sa 2021 Miss Supranational
Photo Credit: @dindipajares Instagram

Sa gitna ng panibagong wave ng COVID-19 restrictions sa Pilipinas, matagumpay na nakarating sa Malopolska, Poland ang pambato ng Pilipinas sa Miss Supranational 2021 na si Dindi Pajares.

 

 

Si Pajares ng Bataan ang appointed candidate ng Miss World Organization para sa 2021 Miss Supranational. Susubukan niyang sungkitin ang ikalawang korona ng Miss Supranational para sa Pilipinas na unang nakuha ni Mutya Datul noong 2013.

Sa social media posts, makikita na isa Pinay beauty sa mga early favorites ng Miss Supranational supporters mula sa iba’t ibang bansa na todo rin ang cheer para sa kanilang mga pambato.

 

 

 

 

Unang pageant activity pa lang, isa na ang Filipina beauty sa nag-stand out kung saan itinanghal siya bilang first runner-up sa “Miss Elegance Competition”.

 

 

Bukod sa “Miss Elegance Competition” nag-uumapaw na pagmamahal rin ang naramdaman ni Pajares mula sa supporters na all-out ang virtual cheer para sa kanya.

 

 

Sa pamamagitan ng online vote, nakapagbigay suporta ang Filipino fans para sa ating kandidata.

 

 

Dahil sa tulong at suporta ng Pinoy fans, proud rin na ibinahagi ng Filipina beauty na isa siya sa mga top 10 candidates na nakakuha ng pinakaraming boto mula sa pageant fans.

 

 

 

“I’m glad to announce that we are CURRENTLY included in the TOP 10 of SUPRA FAN VOTE. Big thanks to everyone who unceasingly support me on my journey. I really appreciate it,” caption ng kandidata sa post. 

Sa ngayon, naghahanda si Dindi para sa preliminary competition ng Miss Supranational bago ang coronation night sa August 22.

Si Anntonia Porslid ng Thailand ang reigning Supranational title holder na magpapasa ng korona sa 2021 Miss Supranational.