• Home
  • Fresh Scoops
  • Nominado ang ‘Huwag Kang Mangamba’ sa 2021 Content Asia Awards.

‘Huwag Kang Mangamba’ nominado sa 2021 Content Asia Awards

Nominado ang ‘Huwag Kang Mangamba’ sa 2021 Content Asia Awards.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/16/2021 07:08 PM
‘Huwag Kang Mangamba’ nominado sa 2021 Content Asia Awards

Nominado ang hit ABS-CBN serye na Huwag Kang Mangamba sa 2021 Content Asia Awards ngayong taon.

Kalahok ang programa na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa kategorya na Best Drama Series/Telefilm made for a Single Asian Market.


Makakalaban ng Huwag Kang Mangamba ang Barangay 143 Season 2 ng August Media Holdings; Dystopia ng Mediacorp Pte Ltd at Konxepz Productions Pte Ltd; Dream Raider ng WarnerMedia; at To Me, It’s Simply You ng BEC World Co Ltd.

READ: Francine Diaz on playing a troubled teen in ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Isa ito sa dream role ko’

Base sa website ng Content Asia Awards, pipiliin ang mananalo base sa pagiging angkop ng tema ng programa sa mga manonood nito. 

“This category focuses on drama created for a specific market in Asia. Entries will be judged on their relevance and suitability for the one specific market for which the programme was made,” saad ng Content Asia Awards.

Bida din sa nasabing serye sina Eula Valdes, Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Nonie Buencamino, Matet de Leon, Dominic Ochoa, Soliman Cruz, RK Bagatsing, Paolo Gumabao, at Matty Juniosa.

Ilan sa mga bagong dagdag sa cast ay sina Ian Veneracion, Andi Abaya, Nash Aguas, Vivoree Esclito, Richard Quan, at Andrea del Rosario.

Samantala, hango naman ang programa sa kaparehong pamagat na awitin ni Fr. Manoling V. Francisco, SJ. 

Mapapanood ang Huwag Kang Mangamba sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga plataporma gaya ng Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

READ: SethDrea and KyCine to star in new ABS-CBN show ‘Huwag Kang Mangamba’

Para naman sa mga nakabase sa ibang bansa, mapapanood ang programa sa The Filipino Channel at IPTV.