• Home
  • Fresh Scoops
  • Naiinitindihan naman ng mga anak ni Janno Gibbs kung bakit niyang panoorin nila ang kanyang pelikula.

Asawa at anak ni Janno Gibbs, banned sa panonood ng ‘69+1’: ‘It’s awkward!’

Naiinitindihan naman ng mga anak ni Janno Gibbs kung bakit niyang panoorin nila ang kanyang pelikula.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/15/2021 12:57 PM
Asawa at anak ni Janno Gibbs, banned sa panonood ng ‘69+1’: ‘It’s awkward!’

Natatawang ibinahagi ni Janno Gibbs sa PUSH at sa ilang entertainment press na umatend sa digital mediacon ng latest movie ni Direk Darryl Yap sa Viva Films titled 69+1 na ito ang maituturing niyang pinaka-daring role na ginawa niya sa pelikula.

janno gibbs 69+1 film maui taylor rose van ginkel

“Ako, kahit matagal na ako  sa industry, this is my first… and this is my most daring role that I’ve done. Most of the movies I’ve done  are  comedy, medyo naughty  but ito, mas level up,” pag-amin ni Janno.


READ: Janno Gibbs explains his side regarding afternoon game show incident with Kitkat

Ang 69+1 ay tatalakay sa itinuturing na taboo topic about polyamory or trouple na normal lang na nangyayari sa ibang western countries.

Kuwento ito ng isang lesbian couple (played by Maui Taylor and Rose Van Ginkel) na gustong mag-explore ng bagong adventures in their seven-year-relationship to spice it up para  maka-iwas sa tinatawag na seven-year-itch. Si Janno naman ang plus one at magiging ka-threesome ng dalawang babae.

READ: Janno Gibbs, hindi dapat hanapan ng life lessons at political correctness ang kanyang pelikula sa MMFF

Aminado naman ang tinaguriang King of Soul na nagkaroon siya ng reservations bago tanggapin ang pelikula.

 “Of course at first I had my reservations, dahil  medyo sensitive yung material. But the key is Darryl Yap at pagsinabi  mong Darryl Yap siguradong maganda,” confident niyang pahayag.

May threesome love scene si Janno kina Maui at Rose Van sa 69+1 pero sinigurado ng aktor na trabaho lang ito at wala talagang malisya.

“May love scenes na kaming tatlo ang magkakasama, but the thing is, it’s all presented in a comedic way kaya mas nakampante ako. Hindi naman siya yung serious na sexy,” kuwento  ng komedyante.

LOOK: Janno Gibbs poses with Bing Loyzaga, Manilyn Reynes

“Sa shooting naman, shooting those scenes was comfortable enough because the three of us know each other. We’ve worked together before at medyo naging friends na rin kami.

“They’re very professional, sobrang daling gawin 'yung scenes because they’re one hundred percent dedicated to the film.

“Sa totoo lang, kapag nandoon ka na…  artista lang ang makakaintindi nito. Kapag nandoon ka na sa eksena na sensitive, naka-focus ka kasi maraming camera ang nakatutok sa ‘yo. Maraming tao ang nanonood, maraming ilaw, so hindi ka na makakaramdam ng malisya.

"Ikaw ba, makakaramdam ng malisya, ang daming nakatutok?” balik-tanong niya.

Sa tanong kay Janno kung hahayaan ba niyang mapanood ng pamilya ang 69+1 ay isang mabilis na hindi ang tugon niya.

“Ako, hindi! From Sanggano, Pakboys to this nagkaroon ng premiere night yung dalawa at di ko pinapapanood sa kids ko at sa wife ko (Bing Loyzaga).

“It’s different for me, I have daughters so it’s… Although naiintindihan nila, but it’s awkward to actually watch your dad,” huling pahayag ni Janno.

Mapapanood sa Vivamax at sa iba pang streaming platforms ang 69+1 simula September 3, 2021.