• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang dekada na sa showbiz ang singer na si Angeline Quinto.

Angeline Quinto, naghahanda para sa isang concert series

Isang dekada na sa showbiz ang singer na si Angeline Quinto.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/14/2021 05:40 PM
Angeline Quinto, naghahanda para sa isang concert series
Photo credit: @loveangelinequinto Instagram

Kasabay ng kaniyang ika-sampung anibersaryo sa mundo ng show business, isang sorpresa ang inihahanda ng singer-actress na si Angeline Quinto para sa kaniyang mga fans.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ipinasilip ni Angeline tila patikim sa kaniyang ikinakasang concert na handog ng Kreative Den digital media.

 


 

“In celebration of my 10th anniversary in showbiz,” ani Angeline sa post.

Taong 2011 nang itinanghal si Angeline bilang grand winner ng Star Power talent search na pinangungunahan ni Sharon Cuneta.

Kasabay nang kaniyang tagumpay sa Star Power, sunod-sunod na awitin ang pinasikat ni Angeline kabilang na ang winning song niya na “Patuloy Ang Pangarap” na naging inspirasyon ng karamihan hanggang sa ngayon.

Sa isang panayam noon ng PUSH, inamin ni Angeline na hindi biro ang kaniyang pinagdaanan sa pag-abot niya sa kaniyang pangarap noon.

 

 

“Alam niyo po, yung Star Power po talaga ang contest na ibinigay ko sa sarili ko na last na contest na sasalihan ko,” sabi ni noon ng singer sa press. “Kasi sabi ko ‘kung di talaga ako manalo dito, talagang ang singing ay hindi po talaga para sa akin,” aniya pa.

Bukod sa pagiging singer, pumatok rin sa mga manonood si Angeline bilang isang aktres kung saan bumida siya sa iba’t ibang pelikula kasama ang premiyadong bituin ng ABS-CBN kabilang na ang Born To Love You kasama si Coco Martin.

Sa ngayon, bukod sa ikinakasang concert, aktibo rin ang singer bilang isang aktres na napapanood sa Kapamilya shows.