• Home
  • Fresh Scoops
  • Humantong sa ganitong desisyon si Derek Ramsay dahil involved na ang kanyang fiancée na si Ellen Adarna.

FRIENDSHIP OVER! Derek Ramsay tinapos ang 7 years na pakikipagkaibigan kay John Estrada

Humantong sa ganitong desisyon si Derek Ramsay dahil involved na ang kanyang fiancée na si Ellen Adarna.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/13/2021 08:50 AM
FRIENDSHIP OVER! Derek Ramsay tinapos ang 7 years na pakikipagkaibigan kay John Estrada
Photo Credit: @ramsayderek07 and @john__estrada Instagram

Diretsahang ipinahayag ni Derek Ramsay na hindi na niya kaibigan si John Estrada. Tinapos na raw niya ang halos pitong taon nilang pagkakaibigan ng aktor.

Humantong sa ganitong desisyon si Derek dahil involved na ang kanyang fiancée na si Ellen Adarna. Si Ellen ang kapareha ni John sa TV sitcom na John en Ellen.

Kamakailan lang ay napabalitang nag-walkout si Ellen sa taping ng naturang sitcom at naakusahan ng pagiging unprofessional. Inireklamo si Ellen ng staff ng program at ng ibang co-stars nito sa show.


Pagkatapos ng nangyari ay kaagad namang nagpatawag ng meeting si John na bukod sa pagiging co-star ni Ellen ay line producer din ng programa.

Ani Derek, “Hindi ko siya kaaway. Hindi ko siya kaibigan. He’s no longer a friend of mine,” pahayag ni Derek sa interbyu ni Ogie Diaz na in-upload nito sa YouTube noong August 9.

Dagdag pa ni Derek, ayaw na rin niyang ma-associate sa dating kaibigan.

“I just don't want to associate myself with John. Magsisinungaling ako kung…  walang kinalaman yung nangyari kay Ellen. Pero yon yung icing on the cake. Yun ang nag-push sa akin na enough is enough,” lahad pa ng hunky actor.

Ayon pa kay Derek, ipinaramdam niya kay John na galit siya dito at kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang galit.

“Naramdaman niya yung galit ko. I think na-understand naman ni John kung saan ako nanggaling,” sabi ni Derek.

READ: Ellen Adarna shares sweet photos with Derek Ramsay from beach trip

READ: Derek Ramsay shares John Lloyd Cruz already congratulated him on his engagement to Ellen Adarna

“Maraming nangyari kay Ellen sa show na iyan. But, ibibigay ko kay John, he was apologetic sa mga bagay na nangyari. Pero there were certain things na di ko na puwede tanggapin,” dugtong niya.

“For me, you go on with your life, I’ll go on with my life,” deklara pa ni Derek.

Nagtapos man ang kanilang pitong taong pagkakaibigan ay hangad pa rin ni Derek ang kabutihan para kay John.

“I wish you well, Bro,” sabi pa niya sa aktor.

Matatandaang si John ang isa sa naging daan para magkakilala sina Derek at Ellen nitong simula ng taong 2021. Kaagad na nagkaroon sparks ang pagkikita nina Ellen at Derek hanggang naging magkasintahan ang dalawa.

Shortly after their being in a relationship ay nag-announce ang dalawa that they are engaged.