• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang ibinalita ng dating matinee idol na si Eric Fructuoso na sa edad na 44 ay magiging lolo na siya.

Eric Fructuoso, magiging lolo na

Masayang ibinalita ng dating matinee idol na si Eric Fructuoso na sa edad na 44 ay magiging lolo na siya.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/11/2021 09:02 AM
Eric Fructuoso, magiging lolo na
Photo Credit: @eric.fructuoso Instagram

Masayang ibinalita ng dating matinee idol na si Eric Fructuoso na sa edad na 44 ay magiging lolo na siya. 

Sa video na ibinahagi niya sa Instagram, nagbigay si Eric ng kanyang payo para sa anak na si Frederick ngayong magiging isa na itong ama.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @eric.fructuoso

 

“Ikakasal ka na, magkaka-baby ka na. Ito based on experience lang. Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako pero marami akong pagkakamaling ginawa especially sa mommy mo, sa mga sumunod,” ani Eric.

“Ito ang pinakapayo ko sa 'yo. Alagaan mo 'yung asawa mo. Papakinggan mo siya, susundin mo siya. Huwag kang magpapadala sa temptation," dagdag niya.

Patuloy pa ng aktor: “Be true to your wife. Love her. Love her like there's no tomorrow. Enjoy-in mo lang. Huwag kang magpapapaniwala sa ibang babae ha."

Sa kanyang kasunod na post, nagbahagi si Eric ng retrato kasama ang kanyang anak at ang mapapangasawa nito na si Anne. 

Sa kanyang caption, ibinahagi ng aktor ang kanyang excitement na makilala ang kanyang magiging apo na si Leo. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @eric.fructuoso

 

"Nanggigigil ako na galingan pa lalo para sa mga anak ko, sa apo kong si Leo, sa mga future apo at sa magiging asawa ko (toink)," aniya.

"Mahal na mahal na mahal ko kayong lahat! Ako na bahala sa inyo. Love you, anak," sabi pa niya.

BASAHIN: Eric Fructuoso happy to live a simple life in Cavite

Unang nakilala si Eric bilang miyembro ng grupong "Gwapings" kasama sina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Jao Mapa.

Huling siyang napanood sa programang 24/7 ng ABS-CBN noong nakaraang taon.