• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa man siya napapanood sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, umani na ng papuri ang aktres na si Julia Montes sa kanyang pagsabak sa aksyon para sa naturang serye.

PANOORIN: Stunt training ni Julia Montes para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, viral sa social media

Hindi pa man siya napapanood sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, umani na ng papuri ang aktres na si Julia Montes sa kanyang pagsabak sa aksyon para sa naturang serye.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/10/2021 09:43 AM
PANOORIN: Stunt training ni Julia Montes para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, viral sa social media
Screenshot from Dreamscape Entertainment Facebook

Hindi pa man siya napapanood sa FPJ's Ang Probinsyano, umani na ng papuri ang aktres na si Julia Montes sa kanyang pagsabak sa aksyon para sa naturang programa. 

Nitong Lunes, Agosto 9, ipinasilip ng Dreamscape Entertainment ang stunt training ni Julia para sa kanyang inaabangang karakter sa serye. Sa video na ibinahagi nila sa Facebook, kamangha mangha ang mga stunts na ipinakita ng aktres, dahilan para maging usap-usapan siya sa social media.


Sa loob lamang ng anim na oras ay umabot na sa higit na isang milyong views ang nasabing video. Maraming netizens ang pumuri kay Julia at sinabing excited na silang mapanood ito sa Ang Probinsyano.

Nito lamang Miyerkoles, Agosto 4, nang pinabilib ng aktres ang kanyang mga taga-hanga matapos niyang i-post ang video ng kanyang motorcycle training para sa serye.

BASAHIN: Julia Montes, sumabak sa motorcycle training para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Si Julia, 26, ang pinakabagong leading lady ng bida na si Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN Entertainment, ibinahahagi ng aktres ang kasiyahan na maging parte ng programa.

"Siguro kung ico-compress ko into words it is more of blessed lang talaga and honored to be part of this big project... And 'yun lahat po kasi ng bumubuo eh. Hindi po siya aabot ng six years kung hindi lahat hindi binigay 'yung puso nila, 'yung puso niya (Coco). So alam ko ang sarap ng magiging journey at marami rin akong matututunan," aniya.

Aminado naman si Julia na ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng pressure lalo at makaka-eksena niyang muli si Coco, na napapabalitang nobyo niya.

"May pressure po siyempre hindi naman mawawala 'yun," ani ng aktres.

"Siguro 'yung pressure gusto kong ma-meet 'yung expectation niya at ng lahat ng team kasi lahat talaga dedicated. And I'm just so proud of him sa lahat ng na-achieve niya ngayon from before then ngayon na lahat na talagang tutok siya. So I'm just happy to be part of that project and creative side of [him]," dagdag niya.

Nang matanong naman kung gaganap ba siya bilang kakampi o kalaban sa Ang Probinsyano, sagot ni Julia: "Actually any po, both okay ako."

"And 'yun nga po 'yung masarap mapasok sa show na 'to kasi nga 'yung challenge and 'yung journey ng character mo hindi basta-basta. Hindi siya 'yung typical teleserye na pag pumasok ka alam mo na agad. Ito may challenge as an actor. Ano 'yung pwede mo pang ibigay kung binigyan ka ng scenario. So iyon 'yung exciting part," sabi pa niya.