• Home
  • Fresh Scoops
  • Cindy Miranda idinadawit sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Leading lady ni Aljur Abrenica, dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla?

Cindy Miranda idinadawit sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/09/2021 09:08 AM
Leading lady ni Aljur Abrenica, dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla?

Off limits ang personal questions ng press sa virtual mediacon ng pelikulang Nerisa ng Viva Films kaya walang nakuhang reaksyon ang PUSH at ang ibang press mula kay Aljur Abrenica tungkol sa mga isiniwalat ni Robin Padilla sa interview ni Ogie Diaz para sa kanyang YouTube Channel.

Si Aljur ang leading man ni Cindy Miranda sa Nerisa na ang script ay sinulat ni Ricky Lee at idinirek naman ni Law Fajardo.

Nerisa Leading lady Cindy Miranda dahilan nga ba ng hiwalayan nila Aljur Abrenica Kylie Padilla


Hindi tuloy naipagtanggol ng aktor ang sarili sa balitang may iba itong babae at third party ang dahilan sa  hiniwalayan nila ni Kylie Padilla.

READ: Tanong ng netizens: Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hiwalay na nga ba?

Umugong ang balitang hiwalay na sina Aljur at Kylie nang magsimula ang mga cryptic posts nito sa kanyang Instagram account noong February 2021.

Sa storycon ng Nerisa noong Mayo ay matipid naman ang reaksyon ni Aljur sa tanong tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ng asawa.

READ: Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayan ng anak na si Kylie at Aljur Abrenica

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at mina-manage namin ito when it comes to posting sa mga tao. Pero to set the record straight, sinasabi ko nga, we’re good, we’re talking and we’re doing everything when it comes to... what’s best sa aming dalawa at sa mga bata,” wika niya noon.

Hindi naman maiwasang madawit ang pangalan ng leading lady ni Aljur sa Viva movie na si Cindy Miranda sa isyu ng hiwalayan ng estranged couple. Kaya lang, mukhang malabo itong mangyari.

Late na nang nagkakilala sina Aljur at ang dating beauty queen. First encounter ng dalawa ay nung virtual storycon ng kanilang pelikula. Bago pa man ito nangyari ay maingay na ang balitang hiwalay na sina Aljur at Kylie.

Anyway, ayon kay Aljur, ang Nerisa na streaming sa iWantTFC, ktx.ph, TFC IPTV, at Vivamax on July 30 ang pinaka-daring na pelikulang ginawa niya. Huling napanood si Aljur sa Express Way limang taon na ang nakakaraan.

“Oo, medyo daring ako dito. Na-miss ko ang paggawa ng pelikula. Hinahanap-hanap ko siya kasi naging busy ako sa teleserye,” sambit niya.

May love scenes sina Aljur at Cindy sa Nerisa na ayon sa kuwento ng aktor ay medyo nahirapan siyang gawin.

“Parehas kaming nahirapan sa love scene pero I make sure na she’s safe. Nakita ko kasi na she is doing her best para magawa yung eksena. Bilang isang babae hindi naman ito ano, eh… sa akin kasi okey lang dahil lalaki ako.

“Sa babae kasi medyo mararamdaman mo kung paano yung hirap pero what’s good about it ay nagawa namin yung eksena sa gusto naming kalabasan,” huling pahayag ni Aljur.