• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinatuwa ng fans nang makita sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nag-camping kasama ang mga kaibigang sina Joshua Garcia, Ria Atayde, at Sofia Andres.

KathNiel, nag-camping kasama sina Joshua Garcia, Ria Atayde, at Sofia Andres

Ikinatuwa ng fans nang makita sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nag-camping kasama ang mga kaibigang sina Joshua Garcia, Ria Atayde, at Sofia Andres.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/09/2021 09:41 AM
KathNiel, nag-camping kasama sina Joshua Garcia, Ria Atayde, at Sofia Andres
Photo Credit: @bernardokath Instagram

Ikinatuwa ng fans nang makita sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nag-camping kasama ang mga kaibigang sina Joshua Garcia, Ria Atayde, at Sofia Andres at partner nitong si Daniel Miranda.

Sa Instagram nitong Huwebes, Hulyo 8, nagbahagi si Kathryn ng ilang retrato mula sa kanilang camping trip na aniya ay matagal na niyang gustong gawin.

"Been wanting to try camping for quite some time now, and I’m so lucky I got to finally experience it with this awesome group! What an unforgettable time that I’d cherish forever—from building our tents, to passing through and swimming in the river, to trekking and cooking our food while having the most random conversations, and to helping each other get through muddy roads. Grabe. WILD," aniya.  


 

 

Sa kanyang post, sinabi ni Ria na bagamat puno ng "plot twist" ang kanilang adventure ay nag-enjoy siya at nais pa rin niya itong ulitin kung may pagkakataon.

"Plot twist after plot twist but so grateful we did that and that I got to do all of that with you guys. 10/10 would do it again!" aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ria Atayde (@ria)

 

Bukod kina Kathryn at Ria, nagbahagi rin ng ilang retrato sina Joshua at Sofia mula sa kanilang camping trip sa Instagram. 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

 

Si Joshua ay naging malapit na kaibigan nina Kathryn at Daniel matapos nilang magkatrabaho sa pelikulang Barcelona: A Love Untold noong 2016.

Samantala, taong 2012 pa noong unang makilala ng magkasintahan si Sofia sa set ng kanilang teleserye na Princess and I, habang si Ria naman ay nakasama ng dalawa sa kanilang blockbuster movie na The Hows of Us noong 2018.