• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaki na umano ang ipinagbago ng relasyon ni Janella Salvador sa kanyang ina na si Jenine Desiderio.

Janella Salvador, mas malapit na ngayon sa inang si Jenine Desiderio

Malaki na umano ang ipinagbago ng relasyon ni Janella Salvador sa kanyang ina na si Jenine Desiderio.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/09/2021 10:28 AM
Janella Salvador, mas malapit na ngayon sa inang si Jenine Desiderio
Screenshot from Dr. Vicki Belo YouTube Channel and Photo credit to j9desire Instagram

Hindi maikakaila na madalas hindi magkasundo noon ang aktres na si Janella Salvador at ang kanyang ina na si Jenine Desiderio.

Ngunit ngayong isa na rin siyang ina sa anak nila ni Markus Paterson na si Jude Trevor, malaki na umano ang ipinagbago ng relasyon ni Janella sa kanyang magulang. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jenine Desiderio (@j9desire)

 

Sa panayam sa vlog ni Vicki Belo, inamin ng aktres na mas napalapit siya sa kanyang ina matapos ang kanyang pagbubuntis noong nakaraang taon. 

"It's more of a rocky relationship. 'Di kami magkasundo with many things. But ever since I became a mom now, actually, I have appreciated her more. And even if minsan 'di pa rin kami magkasundo, it's more stable now, our relationship," ani Janella.

Kwento ng aktres, nagsimula raw ang hindi nila pagkakaintindihan ng ina noong pumasok siya ng showbiz sa edad na 14. 

"I guess it started not being stable when I was a teenager and I wanted to, you know, explore, have fun. And she was scared of letting go. I'm her only girl, so she was having a hard time accepting that," ani Janella.

"I entered showbiz when I was 14, so when I started meeting different people, parang, 'Oh, some people do this pala. They have different lives pala. They party, ganyan ganyan.' I never went through a party phase, just to be clear. I just wanted to hang out with friends and have fun, and medyo naging strict 'yung mom ko dati. It would reach a point na tatakas ako so she got mad," dagdag pa niya.

Matatandaan na noong 2017 ay naging laman ng balita ang mag-ina matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Jenine sa social media na nuknukan ng tigas ng ulo si Janella dahil hindi siya nagpapaalam sa kanyang mga lakad, dahilan para bumukod ng tirahan ang aktres. 

"The posting before, that was the time na we weren't really okay. I was living by myself and wala, cut off talaga 'yung communication. [I was] hurt... Nagalit din ako, eh. I was a teenager and I had so much angst in me," pag-amin niya.

Patuloy ni Janella, naging magkaibigan ulit sila ng kanyang ina matapos niyang ipagtapat dito ang kanyang pagbubuntis. 

Pagbabalik tanaw ng aktres: "I was scared of her so I was scared to tell her. We (Markus) were planning nga to go to the house and tell her in person, but since I was already four months pregnant, I already had checkups before that. So I was going to one of the hospitals here. [But the problem was] chinismis ako.

"But I didn't know that she knew already. She waited for me to tell her. I videocalled her and I said, 'Mama, I have to tell you something.' 'What? You're pregnant?' I was like, 'Oh, how did you know?' She told me na parang, 'Everyone knows na.' As in pokerface lang siya so I was scared as to what she would do. Kung magwawala ba ulit siya or magpo-post ba ulit siya. I don't know.  

"[But] we became closer and I understood her more on different levels as a mom."

Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa naging alitan nila ng kanyang ina, sabi ni Janella: "No matter how independent you feel you are, lalo na as a teenager... no matter how much you feel like you can do it on your own, I feel like you should always make your parents feel like somehow you still need them. Because as a mom now I understand. Even if you live your own independent life, always remember your parents din. Don't completely cut them off."

Panoorin ang buong panayam dito:

Enero nitong taon nang ipinakilala nina Janella at Markus ang kanilang anak na isinilang noong Oktubre sa United Kingdom (UK).

Matapos manatili sa UK nang ilang buwan, umuwi sa Pilipinas ang magkasintahan kasama ang kanilang anak noong Pebrero. 

BASAHIN: Janella Salvador thanks Markus Paterson for being a ‘present, hands-on’ father

Ngayon ay nakatakda nang bumalik sa pag-arte si Janella, na huling napanood sa "Tren" episode ng Maalaala Mo Kaya kasama ang kanyang love team partner na si Joshua Garcia.

Isa si Janella sa mga bibida sa bagong season ng ABS-CBN digital anthology series na Click, Like, Share. Makakasama niya sa serye sina Maymay Entrata, Tony Labrusca, at Jerome Ponce, na dating co-star ng aktres sa sikat na daytime series na Be Careful With My Heart.