• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Dave Almarinez ang personal na nag-imbita kay Patrick Meneses para umatend sa kanilang kasal ni Ara Mina.

Ex-BF ni Ara Mina na si Patrick Meneses kinausap ni Dave Almarinez bago ang kasal

Si Dave Almarinez ang personal na nag-imbita kay Patrick Meneses para umatend sa kanilang kasal ni Ara Mina.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/08/2021 11:04 AM
Ex-BF ni Ara Mina na si Patrick Meneses kinausap ni Dave Almarinez bago ang kasal
Photo Credit: @patrick_meneses Instagram

Isang araw pagkatapos ng kasal ay nakausap ng PUSH ang mag-asawang Ara Mina and Dave Almarinez. Kitang-kita sa mukha ng bagong kasal ang kaligayahan na madalas pang magkulitan at maghalikan habang iniinterbyu namin.

Ikinasal sina Ara at Dave noong June 30, 2021 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges chapel. Sa isang villa sa Alphaland Baguio na malapit sa chapel na pinagdausan ng kasal nag-stay ang dalawa kasama ang ilan sa kanilang family members.

READ: Ara Mina marries fiancé in Baguio


Sa interbyu ng PUSH ay inamin ni Dave na siya ang personal na nag-imbita kay Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses para umatend sa kanilang kasal. Ginawa raw niya ito bilang respeto sa ama ng anak ni Ara.

Si Amanda Gabrielle Meneses o Mandy, 6 years old, ang anak ni Aras sa ex-boyfriend nitong si Patrick. Naghiwalay sina Ara at Patrick noong 2015 pero nanatiling co-parents ang dalawa kay Mandy.

“Long before I made a proposal, parang nagkaano... nagkakarinigan na kami. Siyempre, lalaki sa lalaki (yung pag-uusap), di ba, parang ganun. Respect to each other siyempre,” lahad ni Dave.

Siniguro din daw niya kay Patrick na aalagaan niyang mabuti si Mandy.

Aniya, “It’s very important na maipagkakatiwala si Mandy, na maalagaan yung anak nila, just like the same sa anak ko.”

LOOK: More photos of Ara Mina’s grand wedding in Baguio

Late na dumating si Patrick sa wedding ceremony nina Ara at Dave noong June 30. Kasama niyang umatend sa kasal ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Kinuwento ni Patrick kung paano siya inimbita nina Ara at Dave.

“Actually, they went to my house. We're really good friends, eh. Even Dave and I. Dave made an effort for us to meet,” sabi pa ng alkalde.

Nagbigay din siya ng reaksyon sa naganap na kasalan.

“It's not every day that anyone finds their soulmate. She’s very lucky and Dave's lucky as well. They found each other. Soulmates sila.

“I feel so blessed to be part and to witness this ceremony. This is the biggest event in their life,” wika ni Patrick.

READ: Patrick Meneses, ipinaabot ang unconditional love para sa ex na si Ara Mina

Ayon naman kay Ara, masaya siyang pinagbigyan ni Patrick ang kanilang imbitasyon.

“We’re happy naman na um-attend siya sa wedding namin and he’s happy for us,” pahayag ni Ara

Sinisiguro din ng aktres na hindi magiging hadlang sa magandang relasyon ni Mandy sa ama nitong si Patrick ang pagpapakasal nila ni Dave.

“Good thing din naman na pinalaki ko si Mandy na kilala niya ang tatay niya. Wala siyang confusion na mangyayari,” diin pa ng FPJ’s Ang Probinsyano star.