• Home
  • Fresh Scoops
  • Joem Bascon, nag-paalam muna kay Meryll Soriano bago gumawa ng daring scenes.

Joem Bascon walang balak umalis sa ABS-CBN: ‘Happy ako with the management’

Joem Bascon, nag-paalam muna kay Meryll Soriano bago gumawa ng daring scenes.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/07/2021 11:52 AM
Joem Bascon walang balak umalis sa ABS-CBN: ‘Happy ako with the management’

Walang balak umalis sa ABS-CBN ang magaling na aktor na si Joem Bascon. Ito ang kanyang inamin niya sa PUSH nang makausap namin siya sa face-to-face presscon ng pelikulang The Other Wife.

Ayon pa sa aktor, masaya siya sa Star Magic dahil naaalagaan naman siya nito nang maayos.

“Yes, masasabi ko po na they are taking care of me. Hindi naman nila ako nakakalimutan kapag may trabaho at hindi rin nila ako nakakalimutan kausapin kapag may problema,” reaksyon ng aktor.


“Happy ako with the management. Happy rin ako sa ABS-CBN. Lagi naman akong may work. Right now kasi I have work with ABS-CBN and I’m happy naman. Meron akong The Broken Marriage Vow, nando’n po ako,” dagdag pa ni Joem.

Ang tinutukoy na teleserye ni Joem na kasama siya ay ang Pinoy adaptation ng Doctor Foster na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijian Jaranilla.

Ano ba ang masasabi niya sa mga kasamahan dati sa Star Magic na lumipat na ng ibang network?

“Hindi mo naman masisisi kasi kailangan naman nila ng trabaho, eh. Kung wala namang work sa isang network lilipat sila. Basta lang po ang akin, makipag-usap nang tama, magpaalam nang tama, okey naman po yon,” tugon ng aktor.

Sa pelikulang The Other Wife na idinirek ni Prime Cruz ay leading ladies ni Joem sina Lovi Poe at Rhen Escaño. May mga daring scenes siya sa pelikula kasama ang dalawa na kailangan daw niyang ipagpaalam muna kay Meryll Soriano bago niya ito gawin.

READ: ‘Your love is unparalleled’: Meryll Soriano thanks Joem Bascon for taking care of her and their child

Ani Joem, “Yes, opo, pinapaalam ko po. And then sa tulong ni Direk Prime at ng buong production staff, naayos naman, napag-usapan naman. Siyempre kung minsan may mga bagay na kailangang i-tone down o kailangang baguhin lalo na kapag nasa set na, pero napag-usapan naman.

“Napag-usapan namin yon ni Meme (palayaw ni Meryll), and I guess after this, siguro yon, magto-tone down muna ako sa paggawa ng daring scenes sa mga films na gagawin ko.”

When asked kung meron na bang silang wedding plans ng karelasyon, ang sabi ni Joem ay hindi pa raw niya ito masasagot ngayon.

“Naka-focus muna kami ngayon ni Meme kay Guido, sa baby namin. Kung napapag-usapan na ba namin ngayon yung sa kasal, sa pag-aasawa, hindi ko pa yan masasagot ngayon. Siguro sa susunod nating pagkikita baka masagot ko na. As of now ini-enjoy lang po namin yung time namin together with the baby and sobrang saya lang naming dalawa na naka-focus lang kami sa bata at nasa bahay lang kami,” lahad pa niya.

Magkakaroon ng global premiere ang The Other Wife via streaming platform na KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax sa July 16, 2021.