• Home
  • Fresh Scoops
  • Nangangailangan ng tulong pinansiyal ang kilalang impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee para madugtungan pa ang kaniyang buhay.

Impersonator ni Sharon Cuneta na si Shawee Martinez, nanawagan ng tulong

Nangangailangan ng tulong pinansiyal ang kilalang impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee para madugtungan pa ang kaniyang buhay.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/06/2021 07:47 PM
Impersonator ni Sharon Cuneta na si Shawee Martinez, nanawagan ng tulong

“Hindi na pala ako gagaling.”

Ito ang malungkot na bungad sa social media post ng kilalang impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee Martinez.

Sa naging post ni Ate Shawee, inilahad ng impersonator ang tila pag-lala ng kaniyang karamdaman.


 

 

“Hindi na pala ako gagaling. Lumabas naman babalik ulit ospital walang wala na ako umaasa lang ako sa mga nagbibigay tulong sa akin. Dko na yta kakayanin anu man mangyari konti na lang suko na ako,” post nito sa social media.

Kalakip ng post ang pag-babakasali ni Martinez na paghingi ng tulong sa kaniyang idolo na si Megastar Sharon Cuneta

Sa series of posts ng impersonator, batid ang panghihina ng kaniyang saloobin sa hinaharap na karamdaman na hindi niya ninais ipabatid.

 

 

“Nalulungkot ako napanghihinaan ng loob iyak ako ng iyak... Sana naman kayanin ko lahat ito. Mother of perpetual help,” saad ni Martinez sa post.

Dahil sa kaniyang kondisyon ngayon, gumawa ng paraan ang malalapit na kaibigan at kaanak ni Ate Shawee para mapunan ang kaniyang pinansiyal na pangangailangan.

Sa isang post, ipinabatid ng pamangkin ni Martinez na si Rafaela De Jesus ang pangangailangan ng kaniyang kaanak.

“Hi facebook friends.. sa mga napa saya at natulungan niya... My tita Shawee Martinez is in a bad shape. She has LIVER Complications. She is in need of financial assistance. Any amount will do. Let us give her back the joy and help she once gave us. 🤍 we are asking for your prayers for a fast recovery. 🤎

Gcash:

Marvin M.

0956290 8225

Bdo Unibank inc. :

Justin d castro

002470252578

Sa mga nais tumulong po, yan po gcash number lahat po ng issend po buo po mapupunta kay tita shawi namin. 🏽🏽🏽

(Hindi na po namin piniling ilagay ang picture niya ngaun, dahil na rin po sa privacy ni tita shawee.) hindi po ito fake news or gawa gawa lang. at hindi naman kami mag iimbento ng ganitong sitwasyon. Maraming salamat po.. 🏽🏽🏽

Ishare po natin ng ishare baka sakaling maka abot kay meme Vice Ganda at kay madam mega star. Sharon Cuneta.. thankyou po.. 🏽🏽🏽🏽️️️”

Sa ngayon, umaasa si Ate Shawee na sa tulong ng malalapit na kaibigan at may mabuting loob na matugunan ang kaniyang pangangailangang pinansiyal para sa kaniyang patuloy na gamutan.