• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibang level ang performance ni Sharon Cuneta sa kaniyang pagbabalik-pelikula sa ‘Revirginized’.

Sharon Cuneta, nagulat kay Marco Gumabao sa ‘Revirginized’

Ibang level ang performance ni Sharon Cuneta sa kaniyang pagbabalik-pelikula sa ‘Revirginized’.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/05/2021 02:34 PM
Sharon Cuneta, nagulat kay Marco Gumabao sa ‘Revirginized’
Photo credit: Vivamax Facebook Page (L)

Bigay na bigay sa nakakatuwang mga eksena si Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang pagbabalik-pelikula sa Revirginized.

Si Sharon ang lead star ng pelikulang idinirek ng young filmmaker na si Darryl Yap na direktor din ng mga pinag-usapang pelikula tulad ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Tililing, at Jowable.

Sa trailer na ibinahagi ng Viva Films, makikita ang kakaibang Sharon Cuneta sa kaniyang mga eksena bilang si Carmela.


Kasama ni Sharon ang aktor na si Marco Gumabao na nagpakita rin ng kakaibang performance sa trailer ng pelikula.

Bukod kay Marco, bahagi rin ng pelikula sina Kylie Verzosa, Christina Gonzales, Albert Martinez, at Rosanna Roces.

Starting August 6, mapapanood ang Revirginized sa digital platform na VivaMax.