• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Ciara Sotto sa kanyang Q&A video sa YouTube na wala na sila ng boyfriend na si Ian Austin at single na siya ngayon.

Ciara Sotto, inaming single na siyang muli

Sinabi ni Ciara Sotto sa kanyang Q&A video sa YouTube na wala na sila ng boyfriend na si Ian Austin at single na siya ngayon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/05/2021 02:50 PM
Ciara Sotto, inaming single na siyang muli
Photo credit: @pinoypole Instagram

Kinumpirma ni Ciara Sotto na hiwalay na sila ng kanyang Filipino American boyfriend na si Ian Austin sa kanyang pinaka bagong video sa YouTube noong Sabado, July 3. 

Sa Q&A video in celebration of her 41st birthday, sinagot ng diretsahan ni Ciara ang tanong sa kanya ng isang netizen tungkol sa kanila ni Ian. 

"Nope. Sorry, I am single now. So yeah, that answers the question too why I don't plan on getting married soon because I am single again. End of conversation," paunang sagot ni Ciara. 


Dagdag pa niya, "You know some things just don't work out sometimes." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)

Ani din ng aktres, may mga bagay na minsan ay kinakailangan magtapos. 

"I just feel that when something has to end, you just end it, especially when you have peace in your heart. And when things aren't working anymore, you just have to let things go and wait for God to surprise you again," sabi pa ni Ciara. 

LOOK: Ciara Sotto shares photo with her new boyfriend

Nang tanungin kung kaibigan pa ba niya ang kanyang mga ex, sinabi nitong di man malapit ay pwede siyang kausapin ng mga ito. 

"I'm friends with almost all of my exes but not chummy-chummy, you know what I am saying. Yeah, I am friends with them. I mean like they can text me anytime," aniya.

Ikinasal si Ciara kay Joe Oconer.noong 2010 pero na-annul ito noong 2019. May isa silang anak, si Crixus. 

Sa kanyang vlog, sinabi rin ni Ciara na napatawad na niya ang kanyang ex-husband. 

"Of course, napatawad ko na siya. I mean it's really hard if you harbor unforgiveness in your heart. I mean, when you forgive someone, you are doing it for yourself, it’s not for the person. It doesn’t get the person off the hook. I mean, whatever else that person does, it's already his problem.

READ: How Ciara Sotto has moved on from her failed marriage

"It's always best to forgive and I do not want my son to grow up knowing he has a very unforgiving mom. So, yes, napatawad ko na siya and we’re friends. And maybe, one of these days, I’ll guest him on my vlog," sabi pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)

Dagdag pa niya, "We’re friends, we’re really good friends. As in like friends that can text each other anytime, call each other anytime. You know, he knows me well and I know him well. So we’re good friends.”