• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento din ni Angeline na minsan na siyang pinagbayad ng kanyang ka-date sa isang mamahaling restawran.

Pangkabuhayan showcase? Angeline Quinto, minsan nang regaluhan ang jowa ng motor at kotse

Ikinuwento din ni Angeline na minsan na siyang pinagbayad ng kanyang ka-date sa isang mamahaling restawran.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/04/2021 09:53 AM
Pangkabuhayan showcase? Angeline Quinto, minsan nang regaluhan ang jowa ng motor at kotse
Screenshot from Love Angeline Quinto Channel

Inamin ni Angeline Quinto na minsan na niyang binilhan ng motor at kotse ang isa sa kanyang mga naging jowa noon. 

Naging bukas ang Kapamilya singer tungkol sa kanyang buhay pag-ibig sa kanyang pinakabagong vlog kung saan naglaro siya ng “Lagot o Sagot.” 


Sa nasabing laro, kailangang uminom si Angeline ng alak tuwing hindi niya masasagot ang ibabatong tanong sa kanya. 

READ: Is this Angeline Quinto’s new boyfriend?

Isa sa mga unang itanong sa kanya ay kung inutangan na siya noon ng mga dating naging jowa niya. 

Hindi naman derechong sinagot ni Angeline ang tanong at sinabing likas ang pagiging matulungin sa kanya. 

“Dami ko kasing pinautang. Kasi nagugulat ako kahit hindi naman sila nangungutang parang alam nila kung nasaan ang wallet ko. Parang derecho na. Nakasanayan nila. Kasi alam niyo naman ako ‘di ba? Mapagbigay ako na tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong,” saad ni Angeline. 

Dagdag pa nito, sanay na siyang gumagastos tuwing pumapasok siya sa isang relasyon. 

“Eh siyempre ‘pag jowa ko pa. ‘Pag jowa niyo, mahal ninyo. So, ‘yun, halimbawa mayroon akong 3,000 sa isang araw. Kapag kasama ko siya, ‘pag uwi ko 200 na lang. Pero okay lang. Kasi mahal ko. Basta ganu’n. Hindi na siya nagpapaalam. Kuha na lang siya ng kuha. Pero hinahayaan ko eh,” saad ni Angeline. 

READ: Angeline Quinto confirms being in a relationship

Nadulas naman ito at sinabing minsan na siyang nagbigay ng motor at kotse sa isa sa mga naging jowa niya noon. 

“Binigyan ko pa nga ng motor eh. Ano ba ‘yan ang dami kong nasasagot dito,” saad ni Angeline. 

“Pero hindi. Totoo, nakapagbigay ako ng motor, ng sasakyan tsaka alam niyo ‘di ko ‘to sinasagot. Si Tito Boy Abunda hindi ’to tinatanong. Kayo lang. Pero totoo naman? Bakit ko naman hindi sasabihin sa inyo? ‘Yun lang. Share ko lang. Nakabigay ako ng motor at kotse,” pagbabahagi pa niya. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, ikinuwento din ni Angeline na minsan na siyang nakipag-date sa isang mamahaling restawran ngunit siya umano ang pinagbayad ng kanilang mga kinain. 

“May worst date ako na naranasan kasi alam mo ‘yung ang saya-saya namin nagpunta ron. Tapos order ako. Eh mukhang mamahalin ‘yung restaurant. Kinumusta niya ako ‘Musta ka?’ Siyempre share-share ako ng buhay ko. Tapos nu’ng dumating ‘yung waiter, titinginan kami ‘Sino magbabayad?’ Tapos ako nagbayad.”

Sa nasabing vlog, inamin din ni Angeline na minsan na siyang niligawan ng isang action star.

Sa ngayon, single umano si Angeline.