• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalok ni Angel Locsin si Chito Miranda na pansamantalang manirahan muna sa bahay nila habang nag-aalburuto pa ang Bulkang Taal.

Chito Miranda, pinatotohanan ang pagiging matulungin ni Angel Locsin

Inalok ni Angel Locsin si Chito Miranda na pansamantalang manirahan muna sa bahay nila habang nag-aalburuto pa ang Bulkang Taal.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/04/2021 09:47 AM
Chito Miranda, pinatotohanan ang pagiging matulungin ni Angel Locsin
Photo credit: @chitomirandajr and @therealangellocsin Instagram

Lalong hinangaan ng mga netizens ang Kapamilya star na si Angel Locsin matapos patotohanan ng malapit na kaibigan nitong si Chito Miranda ang pagkakaroon ng mabuting kalooban ng aktres. 

Inalok ni Angel si Chito at ang pamilya nito na pansamantalang manirahan muna sa kanila matapos mag-alburuto ang Bulkang Taal kamakailan. 

READ: Chito Miranda is proud of his friendship with Angel Locsin and Bubbles Paraiso


Sa isang Facebook, ibinahagi ng Parokya Ni Edgar frontman ang naging pag-uusap nila ni Angel sa isang messaging app. 

Pinuri ni Chito si Angel at sinabing mula noon pa man ay talagang mabuting tao ng aktres. 

“Napakabait lang talaga nitong na ‘to. Mula dati, hanggang ngayon … sobra lang talaga,” saad ni Chito. 

Sa ibinahaging screenshot ni Chito tungkol sa naging pag-uusap nila ni Angel, makikita ang naging alok ng Iba ‘Yan host na pansamantalang patirahin ang ang negosyante at musikero sa kanyang bahay. 

READ: Angel Locsin helps 31 scholars after reaching new milestone on social media

“Chito! May kwarto kayo dito nila Neri at Miggy at kung sino pa kasama niyo sa house ha? Anytime, pwede kayo dito,” saad ni Angel. 

“Mabuti ng iwas muna kayo at unpredictable pa ‘yung Taal. Plus, ‘yung smog / vog,” dagdag pa ng aktres. 

Nagpasalamat naman si Chito sa kabutihan ng kanyang kaibigan at sinabing maayos ang kanilang kalagayaan doon. 

“Okay kami dito. May shoot kami dito sa resthouse. Pero salamat sa pag-alala,” ani Chito. 

Sa Instagram post ni Chito, biniro ito ni Angel at sinabing: “Bored ka tsong? Lol Nakatutok na mga camera tapos diretso kanta ka na sa kumu lol.” 

Naninirahan ang mag-asawang sina Chito Miranda at Neri Naig sa Alfonso, Cavite habang si Angel Locsin naman ay nakatira Quezon City. 

Samantala, tuloy-tuloy pa din ang pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) ng Bulkang Taal. 

Naglabas naman ito ng volcanic plume na umabot ng 2.4 kilometers noong Hulyo a tres. 

Sa ngayon, mayroon nang higit 200,000 reactions, 3,400 comments at 1,700 shares ang post ni Chito.