• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa ‘Magandang Buhay’, ibinahagi ni Hidilyn Diaz ang kanyang mensahe para sa mga kabataan at kapwa atleta.

Hidilyn Diaz, ibinahagi kung ano ang nasa isip niya habang buhat ang 127kgs na barbell

Sa ‘Magandang Buhay’, ibinahagi ni Hidilyn Diaz ang kanyang mensahe para sa mga kabataan at kapwa atleta.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/30/2021 08:51 AM
Hidilyn Diaz, ibinahagi kung ano ang nasa isip niya habang buhat ang 127kgs na barbell
Photo (L) screenshot from Magandang Buhay | ABS-CBN Entertainment and Photo (R) by Chris GRAYTHEN | POOL | AFP

Ilang araw matapos ang kanyang historic win sa Olympics, aminado ang weightlifter na si Hidilyn Diaz na hindi pa rin siya makapaniwala na nauwi niya ang kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas. 

Sa Magandang Buhay nitong Huwebes, Hulyo 29, sa pamamagitan ng Zoom, ibinahagi ni Hidilyn ang nararamdaman niya sa pinakabago niyang tagumpay. 


"Medyo hindi pa rin eh. First, siyempre, hindi ako makapaniwala na natuloy ako ng Olympics. Every day may anxiety [kahit andoon na ako] sa Athlete’s Village. Kahit andoon na kami, gusto ko na magsaya, hindi pa rin [pwede] kasi everyday may testing kami, at kung mag-positive kami, baka hindi kami makakalaro. So nandoon ‘yung anxiety," pagbabalik tanaw ng atleta.

Patuloy pa niya: “Hindi pa rin ako makapaniwala na nakapag-perform ako nang maganda at naiuwi ko ang medalya ng gold para sa Pilipinas. At 'di pa rin ako makapaniwala na sa wakas, uuwi na ako. Nandito na ako sa Pilipinas [after] how many months."

Noong Lunes, Hulyo 26, ipinagbunyi ng mga Pilipino ang pagkapanalo ni Hidilyn sa Tokyo Olympics sa Japan. Naiuwi ng Zamboanga-native na weightlifter ang ginto matapos talunin ang walo pang ibang atleta sa kanyang kategorya, kabilang na ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China. 

BASAHIN: Celebrities congratulate Hidilyn Diaz for winning PH’s first Olympic gold

Sa programa, ibinahagi ni Hidilyn kung ano ang tumatakbo sa isip niya habang buhat buhat ang 127kg na barbell.

“Nung time na ‘yun, iniisip ko ‘yung technique ko. Iniisip ko lahat ng mga taong nag-pray [para sa akin]. Alam ko halos lahat ng Pilipino [nagdasal]. Kaya siguro napakinggan... Nanalo ako ng gold medal dahil sa prayers ng bawat Pilipino."

Ayon kay Hidilyn, masaya siya na makapagbigay ng inspirasyon sa kanyang mga kapwa Pilipino, lalo na sa mga kabataan, sa gitna ng pandemya kung saan marami ang hirap sa buhay.

“Before Olympics, sabi ko sa sarili ko na I don’t want to give up. Especially now sa pandemic kasi bawat Pilipino kailangan ng inspirasyon ngayon. Kaya patuloy pa rin ako sa training kahit mahirap kasi nga medyo mahirap ‘yun lalong lalo na sa mga young generations na isang Hidilyn maggi-give up dahil sa pandemic. So meaning ang dami ko ring mai-influence na mag-give up sa life. So good thing na naipagpatuloy ko," ani Hidilyn.

“Masaya ako na na-inspire ko ang bawat Pilipino not to give up on their life and nabigyan ko sila ng konting saya. Alam mo ‘yung maganda, halos lahat ng Pilipino nag-stop. Naging proud to be Filipino nung laro ko. So maraming salamat po at [nagkaisa] tayo nung laro ko," dagdag niya.

BASAHIN: Hidilyn Diaz to receive over Php30M, real estate properties, and free flights after Olympic win

Bago magpaalam sa programa ay inanyayahan ni Hidilyn ang mga manonood na patuloy na suportahan ang mga Pilipinong atleta na patuloy na lumalaban sa Olympics.

Nag-iwan din siya ng kanyang mensahe para sa mga kabataan at kapwa atleta.

"Sa mga kabataan, sa mga athlete kung may mga doubt kayo tingnan niyo ito. Ito na nanalo na ng silver noong Rio, ito may Tokyo 2020 gold medal. Nakaya ni Ate Hidilyn kaya niyo yan. You just have to dream high, never ever give up sa dream niyo. Kailangan talaga ng sipag, disiplina, determinasyon sa training. Then you have to surround yourself with people na i-influence ka para ma-reach ang dream mo at siyempre surrender it to God," aniya.