• Home
  • Photos
  • More photos of Ara Mina’s grand wedding in Baguio

More photos of Ara Mina’s grand wedding in Baguio

Check out the sidelights from Ara Mina and Dave Almarines’ wedding.

BY
PUSH TEAM

PHOTOS

07/03/2021 11:02 AM

Bukod sa mga kaanak ay puro mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang bumubuo ng entourage ni Ara Mina sa kanilang kasal ni Dave Almarinez sa Baguio City noong June 30 (Miyerkoles), alas-3 ng hapon.

Ginanap ang wedding ceremony sa Alphaland Baguio Mountain Lodges.

Present sa kasalan si Diego Loyzaga na sinamahan ang girlfriend na si Barbie Imperial, na isa sa bridesmaids.  Kasama rin ni Jessa Zaragosa ang asawang singer na si Dingdong Avanzado at ang anak nilang si Jayda, na naghandog pa ng dalawang kanta during the reception.

Of course, hindi mawawala sa affair si Cristine Reyes, na isa sa matron of honor. Wala naman siyang kasama kundi ang kanyang lovely daughter na si Amara.

Dumating din si Concert King Martin Nievera na matagal nang kaibigan ni Ara. Nagpa-mini concert pa ito sa reception bilang regalo sa bagong kasal.

Si Jan Marini ay ineskortan naman ng asawang si Gerard Pizarras. Kasama rin ni Patricia Javier ang husband na si Dr. Rob Walcher.

Masaya namang makitang magkasama sina Ara Mina at ex-boyfriend na si Patrick Meneses, na si Dave mismo ang personal na nag-imbita.