• Home
  • Fresh Scoops
  • “There are times that I still deal with character defects,” pag-amin ni Baron Geisler na inilarawan ang kanyang proseso ng pagbabago as a “constant journey.”

Baron Geisler, ibinahagi ang mga ginagawa para tuluy-tuloy na ang pagbabago

“There are times that I still deal with character defects,” pag-amin ni Baron Geisler na inilarawan ang kanyang proseso ng pagbabago as a “constant journey.”

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

07/03/2021 04:56 PM
Baron Geisler, ibinahagi ang mga ginagawa para tuluy-tuloy na ang pagbabago

Sa online show na PUSH Bets Live, ibinahagi ng aktor na si Baron Geisler ang mga ginagawa niyang hakbang para tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago.

Ani Baron, ang kanyang journey towards self-reform ay isang proseso. “It’s a process. I learn something new every day, that’s what’s good about my recovery, and the people, my real friends that I have now. And, ang laking tulong din is my faith family dahil meron akong structure na sinusunod. Almost every day na yata meron akong pinupuntahan na fellowship. It’s either from our faith family or from AA, Alcoholics Anonymous.”


So may structure ako aside from you know, working out and doing all these things. Meditation is key. And also for me to be happy, I need to work out,” dagdag pa niya.  

Nang matanong kung ano ang natutunan niya in his journey of finding himself again and becoming an improved version, sinabi ng aktor na, “You know what, I still feel the same. I’m the same guy but slowly, slowly, ang mga tao na lang ang nagsasabi na, ‘Uy, medyo nagmamature ka na ah’ with my decisions.

The best na parang nakukuha kong observation is when it comes from my wife. Kasi she never sugarcoats things, eh. So minsan, you know, my wife, sometimes, may be cold, ako ‘yung madalas maglambing but ‘pag may sinabi siya sa akin, ibig sabihin nu’n, galing talaga sa puso and kumbaga, meron siyang nakitang improvement.”      

WATCH: Baron Geisler on becoming a better person: 'It's a constant journey' | PUSH Bets Live

Natanong din si Baron kung ano ang pwede niyang ibahagi sa mga taong nakaka-relate rin sa mga pinagdaanan niya at nais makabangon muli.

Tugon nito, “Ang hirap eh, I’ll just speak for myself na lang. I really wanted it. It’s going to be a tough, rough process of change, pero if you want it and if you really want to parang improve in life, your status, lahat, if you want to become a better person, a better brother, a better husband, a better friend, then I need to be mindful, respectful, and I want to want change and do the legwork. Hindi siya ‘yung biglang okay, nagpunta ako ng rehab, nagbabasa ako ng mga AA materials and books eh magbabago na. There are times that I still deal with character defects. Minsan if hindi ko nasusundan ‘yung structure ko, bumabalik ‘yung katamaran, bumabalik na naman ‘yung mga blind spots ko na hindi ko na nakikita so if I stop doing these things then I’ll definitely go back to the hell that I was in before. So it’s a constant journey, and I’m having fun with it.”    

Panoorin ang buong panayam kay Baron Geisler kung saan ibinahagi niya ang kanyang buhay-pamilya, current acting projects at pananaw sa iba’t ibang bagay dito.