• Home
  • Fresh Scoops
  • Ani SB19, very hands-on sila sa kanilang ‘Back In The Zone’ concert maging sa mga teknikal na bagay tulad ng set at wardrobe.

SB19, ibinahagi kung gaano ka-hands on sila sa kanilang upcoming digital concert

Ani SB19, very hands-on sila sa kanilang ‘Back In The Zone’ concert maging sa mga teknikal na bagay tulad ng set at wardrobe.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

07/29/2021 03:08 PM
SB19, ibinahagi kung gaano ka-hands on sila sa kanilang upcoming digital concert
Photo Credit: @officialsb19 Instagram

"Overall involved."

Ganito inilarawan ng Pinoy pop group na SB19, composed of Josh, Pablo, Stell, Ken, and Justin, ang kanilang paghahanda para sa nalalapit nilang virtual concert ngayong Linggo, Agosto 1.

 


 

Ani Josh, "Well, to be honest, let's say mga 80 or 90% po talaga parang kami rin 'yung nagprepare for the concert. Even alam niyo po 'yung pagdidirect nung mga LED, 'nung mga lights, and mga kung anu-ano po. Pero siyempre mayroon pong help ng mga professionals.

“Pero siguro po let's say sa creatives, si Justin po talaga lahat. Yung mga scripts po namin and everything na ano, parang in charge po talaga, si Justin po talaga umaasikaso. So gusto po talaga namin na parang mararamdaman po talaga nun mga manonood kung ano po ‘yung pinrepare namin kasi siyempre ‘yung perspective po namin, parang alam na rin po namin pa’no kami manood ng concert. So gusto rin po namin na mas engrande po yung ipapakita namin na talagang galing sa puso at galing sa mga pinaghirapan po namin."

Samantala, ikinuwento naman ni Justin ang kanyang naging karanasan bilang in charge sa creatives part. "Actually po, for this concert po, our bosses, ‘yung mga higher ups po namin, they asked me po if I want to direct the concert. So although it's hard po talaga siyempre kasi kailangan ko pong pagsabayin 'yung as a performer, 'yung kailangan i-prepare sa performances, pero tinanggap ko po kasi it's an opportunity and an exercise for us to improve ourselves para rin po marami akong matutunan for this experience.”

Aniya, naglatag siya ng program flow at nag-guide sa mga professionals with regards sa mga teknikal na bagay tulad ng LEDs, visuals, lighting, at camera.

“So nagbigay po ako ng concepts sa kanila. And, hindi ko naman po 'yun magagawa with just me. Siyempre po, nagbigay lang po ako ng concept, ng idea, nag-guide lang din po ako sa kanila but they are the ones who executed it. So ayun po, siguro makikita na lang nila 'yung results,” dagdag pa niya.

 

 

Pagdating naman sa kanilang concert outfits, ani Stell dapat daw maging ready ang ATINs sa kanilang wardrobe dahil maski sila ay napa-wow dito. “I think the best way to describe it is siguro, parang, maging ready kayo sa mga outfits na makikita niyo kasi parang kahit kami, nagulat kami sa wardrobe namin kasi talagang sobra kaming napa-wow, talagang gagawin natin 'to.

“Kasi sobrang dami niyong makikita at sobrang marami kayong dapat iexpect sa aming wardrobe. Kumbaga itong Back In The Zone namin, gusto talaga naming ibalik lahat ng pasasalamat at suporta sa mga tao kaya i-fu-full blow na rin namin lahat ’nung performances namin and siyempre hindi lang performances, pati yun wardrobe namin.”

Pagbabahagi naman ni Ken, wala silang designer na naka-collaborate para sa kanilang wardrobe. Bagkus, nagsusuggest sila ng ideas sa kanilang stylist.

“For now po, sa concert namin, wala po kaming designer na ka-collab pero may stylist po kami. And before na magstyle siya, sinisigurado niya po na tatanungin niya po muna kami kung okay ba sa inyo ‘yung ganitong style, kung ano ‘yung klaseng style na gusto niya for this performance, sa certain song. And yeah, kami kami rin nagsusuggest din,” aniya.  

 

 

Pagdating naman sa set, sinabi ni Pablo that they made sure na masasatisfy ang mga manonood visually.  

“Dito talagang pinaghandaan po namin kasi kumbaga sa lahat ng kanta, sa bawat kanta, para kang manonood ng movie kasi ‘yung set-up talagang angkop na angkop ‘dun sa kanta. For example, ‘yung kanta namin na medyo horror, talagang we make sure na parang ‘yung feeling nila ‘pag pinapakinggan nila, nadidinig nila pati visually mararamdaman nila na medyo horror vibes ‘yung kanta talaga

“So talagang pinaghandaan namin, hindi namin sinayang bawat oras, ginamit namin lahat ng resources namin kasi nga alam namin na virtually lang sila manonood. It would be better if they could watch us live pero since virtual nga, we made sure na talagang maganda at talagang masasatisfy both visual and hearing senses nila.”  

Pinamagatang SB19's Back In The Zone, mapapanood ang concert na ito ngayong Linggo, Agosto 1, 7:30PM via KTX.PH