• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasa Dubai pa rin ngayon ang beauty queen na si Pia Wurtzbach.

Pia Wurtzbach, hindi makauwi ng Pilipinas; naabutan ng lockdown sa Dubai

Nasa Dubai pa rin ngayon ang beauty queen na si Pia Wurtzbach.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/29/2021 07:11 PM
Pia Wurtzbach, hindi makauwi ng Pilipinas; naabutan ng lockdown sa Dubai
Photo credit: @piawurtzbach IG

Kasalukuyang nananatili pa rin sa Dubai si Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach matapos umanong sumailalim sa lockdown ang naturang siyudad.  

 

 

Sa kanyang Twitter Q&A nitong Miyerkoles, Hulyo 28, sinagot ni Pia ang iba’t-ibang katanungan mula sa kanyang mga tagahaga.

https://push.abs-cbn.com/2021/3/21/fresh-scoops/pia-wurtzbach-on-the-covers-of-dubai-lifestyle-mag-192399

Dito, kinumpirma ni Pia na hindi siya makauwi ng Pilipinas dahil umano sa pagtaas ng mga kaso ng Delta variant ng coronavirus (COVID-19) disease doon.

Ayon kay Pia, nalulungkot siya para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi umano makauwi. Hiling naman nito na payagan nang makauwi ang mga ito lalo na mga nabakunahan na. 

“Yes! Kaya ang daming di makauwi sa Pilipinas na mga OFWs,” sagot ni Pia. Pagpapatuloy pa niya:  “I really feel for them. May mga nakilala at nakausap na rrin ako dito at di nga sila makauwi. Sana bumaba na Delta cases at malift na yung ban na ito lalo na kung vaccinated na rin naman mga kababayan natin.” 

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Pia ang kanyang mga tagahanga na magpabakuna kung may pagkakataon. 

Ani Pia: “It’s super important talaga na magpabakuna when you get the chance kasi habang tumatagal na hindi nababakunahan, lalong mag e-evolve yung virus over time. Dapat mag ingat talaga and magpavaccinate as soon as may chance!” 

 

 

Ibinahagi naman ni Pia na na-miss niya ang kanyang #AskPia segment kaya naman napagdesisyunan niyang ibalik ito. 

“Used to do this pre-Miss Universe so it's been a really long time! I had a lot of fun doing it so I'm bringing back #AskPia,” saad nito. 

Pinasalamatan naman ni Pia ang lahat ng mga nakilahok sa kanyang Twitter Q&A. 

Saad nito: “Good night everyone & thank you for joining in the fun! ’Til our next #AskPia. 1st run muna ito ulit ‘cos it’s been yeaaars since I last did this haha but super saya and sa uulitin! Good night!”