• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Molina and Jerald Napoles have been together for seven years.

Kim Molina and Jerald Napoles share the good and the bad side of living together

Kim Molina and Jerald Napoles have been together for seven years.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/29/2021 05:10 PM
Kim Molina and Jerald Napoles share the good and the bad side of living together
Photo credit: @kimsmolina IG

Katatapos lang mag-celebrate nina Kim Molina at Jerald Napoles ng kanilang 7th year anniversary bilang couple. Nagli-live-in na rin ang dalawa kahit hindi pa ikinakasal.

Tanong ng PUSH sa dalawa sa ginanap na virtual mediacon ng latest film nilang Ako at Ikaw at ang Ending, masasabi ba nilang kilalang-kilala na nila ang isa’t isa ngayong magkasama na silang naninirahan sa iisang bahay? Ano ba ang good and bad side para sa kanila ng naglilive-in?

Si Jerald ang unang nagsalita. Aniya, “I think as we grow old talagang may madi-discover ka pa sa bawat isa, maski sa sarili na, ‘Ay ganito pala ako pag tumatanda,’ may mga ganung bagay tayo. Tapos madi-discover din namin sa isa’t isa yon.”


“Ang mahirap sa pagsasama sa iisang bubong ay yung kung paano ka magiging honest sa pinagdadaanan mo bilang indibidwal which kailangang gawin mo yon sa partner mo para matulungan ka. At yon din naman ang masarap do’n, na kapag nangailangan ka ng tulong, kailangan mo ng kapartner sa buhay since andyan lang siya sa tabi mo mas madali na,” dagdag na paliwanag ni Jerald.

Ayon naman kay Kim, “Marami pa po akong nadi-discover same as Jerald sa sarili ko. Nandon ako sa transition na, ‘Ah, eto pala yung gusto kong gawin in the long run, ganyan. At mas lalo ko pang nare-realize na tama ang naging desisyon ko to be with him kasi magkapareho talaga kami ng mga gusto sa buhay, na parang swak talaga.

“Kahit yung mga gusto kong sabihin, tatapusin nya yung sasabihin ko na nakakairita na minsan kasi minsan gusto kong tapusin yung statement ko, eh, yon din yung gusto niyang sabihin, so ayun.”

Aminado rin si Kim na medyo nahirapan siyang mag-adjust sa pakikipag-live-in sa boyfriend.

“Yung mahirap naman is well, yung adjustment nandon pa rin naman po kami, lalo na sa akin ngayon since pandemic pa rin and I’m adjusting to living with him without my family kasi malayo sila, so nandodoon ako sa pag-a-adjust ko na ako’y may bagong taong kasama sa iisang bubong. Pero  masarap sa feeling na nandyan lang din siya,” lahad pa niya.

Naikwento rin ni Kim na dumaan sila noon sa matinding challenge bago tumagal ng pitong taon ang kanilang relasyon ni Jerald.

“I think it happened way before the public knew about us. Parang it already happened before then na ano… Kasi siyempre kami po bilang artista marami pa kaming gustong gawin individually tapos magkahiwalay din naman talaga yung mga path namin, eh.

“So, siyempre yung transition na ano ba, kailangan ko ba munang magka-boyfriend or magka-girlfriend at this time kung kailan kakatapos lang ng Rak of Aegis at ang may alam lang at nagtitsismis lang na kami ay friends namin na ka-close sa industry, So I think nalampasan na namin siya,” balik-tanaw ni Kim.

Samantala, isang dark action-drama ang Ako at ikaw at ang Ending nina Kim at Jerald. Third film nila ito together pagkatapos magsama sa Viva movie na Jowable at sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam na idinirek ni Darryl Yap na katatapos lang ipalabas sa VivaMax.

Ang Ako at Ikaw at ang Ending ay isinulat at idinirek ni Irene Villamor na nagdirek ng mga pelikulang Sid & Aya, Meet Me in St. Gallen, at Camp Sawi.

“This is our third film na magkapareha kami at ibang-iba ang genre nito sa mga nagawa namin before kasi drama ito na may halong action,” kuwento pa ni Jerald sa PUSH.

When asked kung paano nila iku-compare si Direk Darryl kay Direk Irene, iginiit nilang magkaiba ang dalawa.

“There is no comparison between Direk Darryl and Direk Irene kasi magkaiba sila ng process, style. and sistema, pati sa flavor ng acting namin.  Pareho silang masaya sa set, napakagaan katrabaho at walang pressure. Kay Direk Irene lang, mas sexy kami at grabe talaga ang love scenes namin. Laplapan kung laplapan,” esplika ni Jerald.

Mapapanood ang Ako at Ikaw at ang Ending sa VivaMax at sa iba pang streaming platform simula sa August 13, 2021.