• Home
  • Fresh Scoops
  • Magsisimula na ang bagong yugto sa karera ni Jane de Leon bilang “Darna” at e-exit na ang aktres sa ‘Ang Probinsyano’.

Jane de Leon, aarangkada na bilang ‘Darna’

Magsisimula na ang bagong yugto sa karera ni Jane de Leon bilang “Darna” at e-exit na ang aktres sa ‘Ang Probinsyano’.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/28/2021 11:16 PM
Jane de Leon, aarangkada na bilang ‘Darna’
Photo Credit: @imjanedeleon Instagram

Tuloy na tuloy na ang paglipad ni Jane de Leon bilang Pinay superhero na “Darna” dahil magsisimula na ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na taping nito ngayong Setyembre. 

Nitong Miyerkoles, Hulyo 28, inanunsyo ng ABS-CBN ang pag-alis ni Jane de Leon sa long-running Kapamilya action serye na “Ang Probinsyano” upang simulan ang kanyang mga paghahanda para sa “Darna.” 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

 

Matatandaang Enero nitong taon lamang nang sumalang ang aktres bilang si Pol. Cap. Natalia Mante sa serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.  

Lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane De Leon at magsisimula nang mag-taping para sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ngayong Setyembre,” saad ng ABS-CBN sa inilabas nitong pahayag. 

“Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa "FPJ's “Ang Probinsyano,” dagdag pa ng Kapamilya network. 

Gayunpaman, dapat umanong abangan ang pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo sa mga susunod na gabi. 

Jane de Leon says it is a dream come true to join ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

“Mapapanood ang mas maaksyong “FPJ's “Ang Probinsyano” sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon,” ani pa ng nasabing pahayag.

Dahil sa pagiging bahagi ni Jane ng “Ang Probinsyano,” nabigyan ang mga manonood ng pagkakataon na mas makilala pa ang aktres lalo pa’t umeere ang nasabing programa sa iba’t-ibang plataporma. 

Kabilang na dito ang Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC. 

Ngunit bago pa man sumalang si Jane sa “Darna,” dumaan na ito sa puspusang training upang masigurado ang kanyang kahandaan para sa gagawing malaking proyekto. 

Jane de Leon has this to say to those who doubt her casting for 'Darna'

Unang inanunsyo ang “Darna” noong 2014 kung saan si Angel Locsin ang aktres na dapat gaganap sa nasabing karakter. Ngunit kinailangan namang mag-backout ni Angel sa nasabing proyekto dahil sa kanyang kalusugan. Pinalitan siya ni Liza Soberano, na kalaunan ay bumitaw din sa proyekto dahil naman sa nabaling buto nito sa kamay. 

2019 nang unang i-anunsyo ang paglipad ni Jane bilang Darna. 

Si Erik Matti naman, na orihinal na direktor sa proyekto, ay kinailangan ding umalis dahil sa aniya’y “creative differences” sa pagitan niya at ng ABS-CBN Films. 

Pinalitan naman siya ni Jerrold Tarog na nasimulan na ang shooting ng pelikula bago magsimula ang pandemya. 

Gayunpaman, nabigyan pa rin ng pagkakataon ang mga manonood ng ilang pasilip kay Jane de Leon bilang “Narda.” 

Introducing our new Darna, Jane de Leon

Sa ngayon, hindi pa inanunsyo ang direktor para sa inaabangang serye.