• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nakalusot ang ang singer na si Angeline Quinto sa prank ng Beks Battalion.

PANOORIN: Beks Battalion, prinank si Angeline Quinto

Hindi nakalusot ang ang singer na si Angeline Quinto sa prank ng Beks Battalion.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/26/2021 08:37 AM
PANOORIN: Beks Battalion, prinank si Angeline Quinto
Screenshot from BEKS BATTALION YouTube Channel

Naging biktima ng isang nakakatawang prank ang singer at aktres na si Angeline Quinto sa pagbisita ng Beks Battalion sa kanyang bahay.


Sa pinakabagong vlog ng Beks Battalion, binisita nila si Angeline sa mismong bahay nito. Ngunit ang buong pag-aakala ni singer, nagpunta ang tatlong magkakaibigan sa kanyang bahay para sa isang voice lesson.

“Kasi siyempre si Angeline alam naman natin na maganda ang boses, magaling na mang-aawit. Kaya tayo, hindi tayo masyadong biniyayaan ng magandang boses, magpapaturo tayo sa kanya,” saad ni MC.

Ang hindi alam ng singer ay may inihandang prank sa kanya ang magkakaibigan kung saan kumain ang mga ito ng iba’t-ibang pagkain na nag-iwan ng amoy sa kanilang mga bibig gaya ng dilis at pusit.

READ: Vice Ganda, prinank ng Beks Battalion sa sarili niyang bahay

“’Yun ang alam niya. Na magpapaturo tayo sa kanya. Ang hindi niya alam, ipa-prank natin siya ngayon.  At tatawagin natin itong mabahong hininga prank,” sambit naman ni Chad Kinis.

At dahil hindi pa umepekto ang amoy, dinamay din nila ang isa sa mga kasamahan ni Angeline at nagpadikdik ng bawang at sibuyas.

READ: Vice Ganda, nag-walk out matapos i-prank ni Angeline Quinto

Nang magsimula na ang breathing exercise, hindi naman napigilan ni Angeline na magkomento sa amoy ng mga hininga nina Lassy at Chad Kinis.

Panoorin ang video sa ibaba:

Inamin naman ni Angeline na “napraning” ito kakaisip tungkol sa kanyang naaamoy.

Sambit nito: “Napa-praning na ako kakaisip. Sabi ko ‘Ako lang ba nakaaamoy nito?”

Komento naman nito sa kanyang naamoy: “Unang breath palang kyawti na.”