• Home
  • Fresh Scoops
  • Pumanaw na ang kilalang impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee.

Impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee, pumanaw na

Pumanaw na ang kilalang impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/26/2021 04:26 PM
Impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee, pumanaw na

Labis na pagdadalamhati ngayon ang bumungad sa mundo ng entertainment sa pagpanaw ng impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee o Marvin Martinez sa tunay na buhay.

Kamakailan lang, naisulat dito sa PUSH ang panawagan ni Ate Shawee para sa tulong pinansiyal na kaniyang kailangan para sa kaniyang naging karamdaman.

READ: Impersonator ni Sharon Cuneta na si Shawee Martinez, nanawagan ng tulong


At nitong Lunes ng tanghali, July 26, isang malungkot na balita ang ibinahagi ng malalapit na kaibigan ni Ate Shawee.

Sa pamamagitan ng social media, ipinaabot ng mga kaibigan ni Shawee ang kanilang pakikiramay sa kanilang kaibigan.

Isa na dito ang celebrity plastic surgeon na si Dr. Librato Toledo ng Toledo Medical Clinic na isa sa mga aktibong tumulong sa pangangailangan ni Ate Shawee.

photo courtesy @drToledoph IG

Ipinaabot rin ng Mr. Gay World 2009 at businessman na si Wilbert Tolentino ang kaniyang pakikiramay sa malapit na kaibigan.

photo courtesy Wilbert Tolentino FB

Ang malapit rin na kaibigan ni Ate Shawee na si Inday Garutay nagpaabot rin ng pakikiramay sa naulila ng kaniyang malapit na kaibigan.

photo courtesy Inday Garutay FB

Nagdadalamhati rin ang Kapamilya star na si JC Alcantara na labis na nanghihinayang sa planong pagkikita sana nila ni Ate Shawee.

“Paalam Ate Shawee Martinez kausap lang kita ngayon sabi ko pupuntahan kita ngayon pero bakit 😭😭😭 Pag close ko ng phone ko at pag end natong video call namin etong balita agad maririnig ko hindi mo man lang ako hinintay puntahan ka jan 😭 Mamimisss ka namin yung mga pag papasaya at kabaitan mo condolence sa buong family mo! Sana at shawee pinaabot mo kong makita ka yan na pala yung huling iyak mo sa pag usap ko sayo ramdam ko na ang dami mong gustong sabihin paalam ate shawee 😭😭

Si Ate Shawee ay nakilala bilang impersonator ni Sharon Cuneta na naging daan para mas makilala siya sa iba’t ibang palabas sa telebisyon.

Ayon sa isa sa mga kaibigan ni Ate Shawee na si Jeffrey Ivory Cruz, ilalagak ang mga labi ni Shawee sa Katamanan, Tayuman sa Tondo, Manila.