Miss World PH appoints Dindi Pajares to compete for Miss Supranational 2021

Biyaheng Poland si Dindi Pajares sa darating na August 3.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/25/2021 07:23 PM
Miss World PH appoints Dindi Pajares to compete for Miss Supranational 2021
Photo Credit: Miss World Philippines Facebook Live

Dahil sa adjustment sa coronation night ng Miss World Philippines na gaganapin sana ngayong Linggo July 25, isang major move rin ang ginawa ng Miss World Philippines Organization. 

 

 

Nitong Sabado, July 24 sa pamamagitan ng Facebook live, inanunsyo ng Miss World Philippines Organization ang pagluklok sa Bataan Beauty na si Dindi Pajares bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Supranational na gaganapin ngayong August 21, sa Malopolska, Poland. 

Miss World PH appoints Dindi Pajares to compete for Miss Supranational 2021

Miss Supranational 2021 competition

Miss World PH appoints Dindi Pajares to compete for Miss Supranational 2021

Photo courtesy Miss World Philippines Facebook Live 

Sa pamamagitan ng candidates voting, pumili ng apat nakandidata Mula kina Ruffa Nava, Kathleen Paton, Megan Campbel at Dindi Pajares na nakakuha ng mataas ng boto mula sa mga kasamahang kandidata. 

Sa huli si Pajares ang napagkasunduan ng Miss World Philippines candidates na lumaban para sa 12th edition ng Miss Supranational. 

Ito ang unang taon ng Miss Supranational Philippines title sa ilalim ng Miss World Philippines Organization. Matatandaan na isa ang Supranational sa mga titulo na nasa ilalim rin noon ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated kung saan nasungkit ni Mutya Datul noong 2013 ang unang korona para sa Pilipinas. 

READ: Miss World Philippines Organization acquires Miss Supranational franchise 

Hindi na bago sa larangan ng pageant si Dindi na huling lumaban sa Binibining Pilipinas noong 2017. 

 

 

 

 

Sa darating na Agosto 3, biyaheng Poland si Dindi para muling sungkitin ang titulo sa Miss Supranational.