• Home
  • Fresh Scoops
  • Maliban kay John Prats, nagpaabot din ng tulong ang mgs hosts ng ‘It’s Showtime.’

John Prats, papag-aralin ang mga anak ni Reinanay Manilyn Malupa

Maliban kay John Prats, nagpaabot din ng tulong ang mgs hosts ng ‘It’s Showtime.’

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/23/2021 09:08 AM
John Prats, papag-aralin ang mga anak ni Reinanay Manilyn Malupa
Photo Credit: @johnprats Instagram

Nagpaabot ng tulong ang It’s Showtime director na si John Prats sa mga anak ng Reinanay contestant na si Manilyn Malupa. 

Sa naganap na episode ng It’s Showtime nitong Miyerkoles, Hulyo 22, ikinuwento ni Manilyn Malupa ang ginagawang pagtulong sa kanya ng kanyang kapitbahay na si Ate Baby. 


“Siya po si Ate Baby. Siya po ‘yung kapitbahay namin na nagpapahiram sa akin ng cellphone para po makasali ako dito sa Showtime. Nu’ng nag-audition po ako, cellphone po niya ‘yung ginamit,” ani Manilyn. 

“Tsaka ‘pag kailangan ng online class, siya rin po ‘yung takbuhan ko ‘pag kailangan po mag-online class ng mga anak ko. Nanghihiram po ako sa kanya ng cellphone,” dagdag pa niya. 

Nang tanungin kung bakit hindi ito humihingi ng tulong sa kanyang pamilya, ipinaliwanag ni Manilyn na ayaw niyang lumapit sa kanila hangga’t kaya pa niya.  

“Alam mo Ate Baby ako ‘yung panganay sa’men. Dose kami magkakapatid. Tsaka pangarap po talaga natin na masarap na may kapatid tayong matatakbuhan. Tatay, nanay na matatakbuhan.”ex

Dagdag pa niya: “Pero, paano ako tatakbo kung nakikita ko naman na hirap din ho sila sa buhay? Kaya hangga’t kaya ko pa, ako na lang po. Tsaka andiyan naman po si God nagpo-provide at tutulong sa akin.” 

Samantala, nagpaabot naman ng tulong si Vice Ganda kay Manilyn maliban sa panawagan nitong donasyon sa GCash account ng Reinanay. 

“Hindi ko kayang mapalampas ‘to. Kanina ko pa iniisip. Paano ko kaya mabibigyan ng tulong itong si Manilyn? Bibigyan kita ng mga produkto ng Vice Cosmetics. Ibenta mo,” ani Vice.

Pagpapatuloy pa nito: “Para hindi saktong pera ‘yung binigay ko sa’yo. Para masabi mong ‘Hindi naman ako saktong binigay ng pera ni Vice eh. Ako mismo ‘yung nagtrabaho nito. Kaya kinita ko.’ Bibigyan din kita ng konting pangkain.” 

Maliban kay Vice, nagpaabot din tulong ang ibang hosts ng  It’s Showtime gaya nina Ryan Bang at Kim Chiu. 

Ngunit hindi nman inaasahan ang naging tugon ng It’s Showtime director na si John Prats na sinabing siya ang magpapa-aral sa tatlong anak ni Manilyn. 

Sambit ni Vice: “Sabi ni Direk John Prats, ie-enroll nya raw yung tatlong anak mo sa online school. Siya daw ang bahala!"

Panoorin ang video sa baba: 

 

 

Labis naman ang pasasalamat ni Reinanay Manilyn kay John Prats. 

Si Manilyn ang itinanghal na Reinanay of the Day.