• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Tenement 66’ star Francine Diaz talks about working on the latest crime thriller by director Rae Red.

Francine Diaz reveals she had a third eye: ‘Hindi ko alam kung naniniwala kayo’

‘Tenement 66’ star Francine Diaz talks about working on the latest crime thriller by director Rae Red.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

07/23/2021 11:35 AM
Francine Diaz reveals she had a third eye: ‘Hindi ko alam kung naniniwala kayo’
Photo Credit: @francinesdiaz Instagram

With her new digital project Tenement 66, Francine Diaz said the acting challenge for her was different from her previous roles in iWant series like Click, Like Share, Bawal Lumabas: The Series, All Nighter, and Silly Red Shoes.

“Parang isa sa mga challenge ko dito yung magpigil ng tawa kasi sobra ko silang naka-close kaya ang hirap maging seryoso. Lahat ng eksena namin kailangan seryoso ka. Yung character ko kasi seryoso siyang tao. So nahirapan ako minsan  matawa pero kidding aside, yung mga preparations na ginawa ko since nabasa ko yung script and sinabi rin naman sa amin sa workshop nila direk Rae Red na parati kaming tumatakbo, palaging gumagalaw, hindi kami yung chill lang. Hindi siya ganun eh,” she said.

READ: Francine Diaz on why she ignores her bashers: ‘Hindi naman ako perfect’


As one of the three lead stars in director Rae Red’s new crime thriller series, Francine said she wanted to do well during their first working experience together.

“Tinatanong ko kung kumusta yung acting ko, kumusta yung ginawa ko sa bawat eksena tapos ang parating sagot ni direk, ‘Okay naman siya. magaling yung ginawa mo.’ First time ko marinig yung ganitong compliment. Kasi minsan pinapanuod namin yung playback and kapag minsan pag hindi ako satisfied sa ginawa ko or sa pinakita kong emotions or sa work ko dun sa eksena na yun, gusto ko pa siya baguhin ulit eh. Pero pagka tinatanong ko naman si direk Rae and sabi niya, ‘No it’s good.’ Dun ako naniniwala sa kanya.

“And kung alam ko na masasali ito sa international film festival, wala na akong babaguhin kasi ginagawa namin lahat yung best namin and kung ano yung mabigay sa amin na opportunity or blessing, lahat din ng best ko binubuhos ko din dun,” she shared.

READ: Francine Diaz turns 17

In preparation for her role, the Tenement 66 star said she had to get used to being more active even before shooting started.

“So ang ginawa ko nag-wo-workout ako everyday. Between sa break ko habang nag-wo-workout binabasa ko yung script. Kasi kapag nag-wo-workout ako nandun yung itsura ko na para akong galit na seryoso tapos dun ko sinasabi yung lines ko para ma-practice. Kahit mahirap siya naging madali kasi gina-guide kami ni direk Rae Red. Which is yun yung nakakapagpadali sa amin and yung nakakapagpa-smooth ng mga eksena namin,” she recalled.

READ: Francine Diaz shares how Kyle Echarri became her best friend

Unlike her onscreen role as the tomboyish Lea, Francine revealed why she is actually a scaredy cat in real life.

“Kasi dati hindi ko alam kung naniniwala kayo pero dati kasi may third eye ako pero buti ngayon wala na siya, closed na. Kaya yung takot ko nabawasan na siya kahit papaano pero nandun pa din mga 98% (laughs),” she said.

After working on the film with co-stars Francis Magundayao and Noel Comia, Francine shared the biggest lesson she learned from the story.

“Ang pinaka natutunan ko dito base sa mga ginawa ng characters namin sa story, hindi porke’t nakagawa yung tao ng masamang bagay masamang tao na siya. Minsan nagagawa nila yun gaya nung sa akin nagawa niya dahil gusto niya makaalis dun sa tinitirhan niya, dun sa kasama niya tatay niya kasi inaabuso siya, sinasaktan siya. So yung only way out niya dun ay yung gumawa ng masama, wala na siyang ibang option kundi gawin yun. Pero hindi naman siya talagang masamang tao.

“Kaya huwag tayo masyado mag-judge sa mga nakikita natin sa panglabas lang na anyo ng mga tao kasi you’ll never know kung ano yung pinagdadaanan nila and kung bakit nila nagawa yung bagay na yun. For me yun talaga yung lesson na puwede ko i-share sa lahat, sa mga kabataan ngayon at sa mga mas bata sa amin. Na huwag kang mag-ju-judge agad. Mas maging kind ka sa mga unkind people kasi mas kailangan nila yun,” she added/

Tenement 66 stars Francine Diaz, Francis Magundayao, and Noel Comia. Directed by Rae Red. It is now available for streaming on iWant TFC.