• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi makapaniwala si Maris Racal sa kanyang mga napanood na eksena mula sa ‘Pinoy Big Brother.’

‘Kadiri’: Maris Racal, binalikan ang nene days sa ‘Pinoy Big Brother’

Hindi makapaniwala si Maris Racal sa kanyang mga napanood na eksena mula sa ‘Pinoy Big Brother.’

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/22/2021 03:46 PM
‘Kadiri’: Maris Racal, binalikan ang nene days sa ‘Pinoy Big Brother’
Screenshot from Maris Racal YouTube Channel

Binalikan ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Maris Racal ang kanyang mga naging karanasan noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Sa kayang pinakabagong vlog, inamin ng 23-anyos na aktres na hindi pa siya nakakanood ng kahit isang episode ng nasabing reality show mula nang lumabas siya sa pitong na taon na ang nakalilipas.


“Fun fact: Hindi ko pa pinapanood ang season namin. Ni isang episode wala akong pinanood kasi hindi ko masikmura manood ni isa kasi nahihiya talaga ako,” saad ni Maris. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Isa sa mga ipinakita niyang episode ang pagbisita ni Paulo Avelino kung saan nabigyan siya ng pagkakataon na maka-eksena ang aktor. 

Hindi naman makapaniwala si Maris sa kanyang napanood niya at sabay sabing: “Bakit naman ganun ‘yung pagkakasabi ko? Oh my Gosh. Kadiri. Akala ko ang galing ko. Bakit naman Maris ganun?” 

WATCH: Maris Racal re-enacts iconic Bea-Maricris scene from ‘PBB’

“Akala ko gagalingan ko tapos yuck,” sambit pa niya. “’Yung mukha ni Paulo Avelino parang natatawa. Feeling ko ang galing-galing ko. Pero guys, nanalo ako sa challenge na ito.” 

Pinanood in ni Maris ang episode kung saan bumisita sina Piolo Pascual, Vice Ganda, at iba pang eksena sa loob ng bahay ni Kuya kasama ang kanyang mga kapwa housemates kabilang na si Toni Gonzaga.  

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, napagtanto naman ni Maris kung gaano karami na ang nagbago sa kanyang buhay matapos niyang mapanood ang mga nasabing videos. 

“Nakakatuwa mag-look back. Parang nakaka-reflect ka din kung gaano karami ‘yung changes na nangyari sa’yo, ‘yung maturity, ‘yung confidence. Proud ako sa journey ko sa ‘PBB’,” saad ni Maris. 

Kabilang si Maris Racal sa Pinoy Big Brother: All In na umere noong taong 2014 sa ABS-CBN.