• Home
  • Fresh Scoops
  • Kahit isiniwalat ang kanilang relasyon Oktubre noong isang taon, very low profile sina Jodi Sta Maria at Raymart Santiago pagdating sa kanilang love life.

TINGNAN: Jodi Sta Maria at Raymart Santiago, nakuhanan ng litrato kasama ang ilang kaibigan

Kahit isiniwalat ang kanilang relasyon Oktubre noong isang taon, very low profile sina Jodi Sta Maria at Raymart Santiago pagdating sa kanilang love life.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/22/2021 12:43 PM
TINGNAN: Jodi Sta Maria at Raymart Santiago, nakuhanan ng litrato kasama ang ilang kaibigan

Sa isang rare moment, nagkasama sina Jodi Sta. Maria at ang boyfriend nito na si Raymart Santiago sa isang picture. Ang dalawa ay nakita sa Instagram stories na ibinahagi  ng aktres na si Shaina Magdayao. Ang photo ay tila mula sa 48th birthday celebration ng aktor, na co-star ni Shaina sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na naganap noong July 20. 

Very private ang dalawa sa kanilang relasyon kaya hindi sila nakikita ng publiko na magkasama. Sa larawan, bukod kay Shaina, kasama ng dalawa ang ilang pang kaibigan, ang photographer na si Sara Black at TV Patrol correspondent na si Gretchen Fullido. 

jodi raymart together picture friends


October noong isang taon nang malantad ang relasyon nina Jodi at Raymart. 

Hiwalay ang dalawa sa kanilang mga dating asawa -- si Jodi kay Pampi Lacson, at si Raymart naman kay Claudine Barretto. Low profile lamang sina Jodi at Raymart sa kanilang love life at hindi pa nagpopost ang dalawa sa kanilang mga social media tungkol dito. 

Samantala, kailan lang ay nagcomment si Jodi sa Instagram post ng aktres na si Iwa Moto, na partner ngayon ng kanyang ex-husband. Naaliw ang netizens sa paguusap ng tatlo sa comments section ng uploaded photo, na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ay magkakaibigan kahit pa ganun ang koneksyon nila sa isa’t isa. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa)

READ: Iwa Moto’s message to Jodi Sta. Maria: “You are a real friend”

"Every family has a story. Ours isn’t a perfect one but through God’s grace, what was once broken is made whole again. Some may find it weird or awkward, but for us, we are simply a FAMILY who respects each other and works as a team towards one goal: to LOVE and SUPPORT our children," caption ni Jodi sa isang ‘family picture’ nila sa Instagram kung saan magkakasama sila nina Pampi, Iwa at kanilang mga anak.