• Home
  • Fresh Scoops
  • Unang beses na gaganapin sa Israel ang prestigious beauty pageant.

Israel to host 70th Miss Universe pageant

Unang beses na gaganapin sa Israel ang prestigious beauty pageant.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/21/2021 07:44 PM
Israel to host 70th Miss Universe pageant
Photo courtesy Miss Universe Facebook page

Isang magaang confirmation ang ibinahagi ng Miss Universe Organization para sa Miss Universe pageant fans.

Sa kanilang social media account, kinompirma na ng Miss Universe Organization ang pageant date at venue ng 70th edition ng annual beauty pageant.

“70 YEARS! The 70th #MISSUNIVERSE competition is heading to ....Eilat, Israel! MISS UNIVERSE will air live around the world December 2021,” caption ng Miss Universe sa kanilang Instagram post kalakip ang teaser video.


 

 

Si Andrea Meza ng Mexico ang reigning Miss Universe title holder ang magpapasa ng korona sa 2021 Miss Universe.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin sa Israel ang annual beauty pageant.

Matatandaan na ang Israel rin ang unang bansa sa nagpatupad ng no mask in public places matapos ang matagumpay na hakbang nito laban sa COVID-19 pandemic.