• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagama’t wala pang kumpirmasyon, hinala ng marami ay naghiwalay na sina Dawn Chang at Justin Cuyugan.

Dawn Chang at Justin Cuyugan, hiwalay na nga ba?

Bagama’t wala pang kumpirmasyon, hinala ng marami ay naghiwalay na sina Dawn Chang at Justin Cuyugan.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/21/2021 06:00 PM
Dawn Chang at Justin Cuyugan, hiwalay na nga ba?

Pinag-uusapan ngayon sa social media ng mga tagahanga nina Dawn Chang at Justin Cuyugan ang umano’y hiwalayan ng dating GirlTrends member at ng aktor. 

Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang mga naging posts ni Justin sa kanyang Instagram account ng tila pasaring sa isang taong aniya’y “narcissistic.” 

Sa isang Instagram post na ibinahagi nito noong Hunyo, nagpasaring ang aktor tungkol sa umano’y pagkakaroon ng partner na nagpapanggap na kausap nila ang kanilang best friend ngunit patago na palang kinakausap ang ex. 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Justin (@thejustincuyugan)

 

Nagpasaring din ito tungkol sa partner na kinukuhanan umano ng video tuwing nagagalit at ipinapanood sa ibang tao habang ipinapagkalat na mayroong mental health issues. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Justin (@thejustincuyugan)

 

Sa isa pang Instagram post ni Justin, tinanong nito kung karaniwan nga lang ba ang pagpapadala ng isang lalaki sa babaeng hindi niya kakilala ng malaking halaga nang walang hinihinging kapalit. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Justin (@thejustincuyugan)

 

Bagama’t hindi tinukoy ni Justin ang taong pinaparinggan niya, nagsimula nang magduda ang kanyang mga tagahanga lalo pa’t in-unfollow na umano nila Dawn at Justin ang isa’t-isa sa Instagram. 

Tanong ng isang netizen: “Sir, I’m actually getting a hint of what’s going to happen but I hope it’s not what i think. Since both of you unfollowed each other hayss.” 

Ngunit paliwanag ni Justin, hindi umano si Dawn ang tintukoy ng kanyang mga posts sa Instagram. 

“My posts may seem like they are pointing towards her but believe it or not, they are for the people who resonates to my stories. For the people who are forced to mute their voices out of fear. The fear of exclusion.” 

Sweet photos nina Dawn Chang at Justin Cuyugan, nagpakilig sa online world

Gayunpaman, nagsunod-sunod pa rin ang kanyang posts sa Instagram ng tinawag niyang “The Narcissist’s Menu.” 

Saad niya: “Before we begin with this segment, let’s just get one important thing out of the way. Out of respect, I am not and will never pertain to a specific individual in all the experiences or instances that I am going to tell you. I might joke around about a situation but I assure you, I don’t mean to harm anybody. Si ano lang… oh ano???”

Dagdag pa nito, ginawa niya umano ito para sa kanyang apat na anak na muntik nang mawala sa kanya nang minsan siyang napasok sa isang “narcissistic” na relasyon.

“Why am I making this series? I decided to make this series about Narcissism because when I was in a narcissistic relationship, I almost lost everything and yes, that includes my life. If not for my four lovely children? I am now just dust in the wind as we speak.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Justin (@thejustincuyugan)

 

Ngunit nitong Hulyo a-16 lang, mas tumindi ang pagdududa ng mga tagahanga ni Justin nang magbahagi ito ng isang litrato kung saan makikita ang kama, tanke ng gas, at electric fan na tila nagpapahiwatig na nag-alsa-balutan ito. 

“Let this be a warning to everyone. If you give your life to a narcissist, this is all they will leave you while they swim in the riches you help them build,” saad niya. 

Dawn Chang on Justin Cuyugan: 'Yes, we're together.'

Dagdag pa niya: “This does not happen only in loving relationships. This is also rampant in work situations and much worse if you sink your life in both.” 

Pagpapatuloy pa niya: “If you were in this situation? Know that your God was beside you the whole time because if not, you will stay in a narcissistic relationship longer putting you in deeper shit.” 

“REMEMBER: If you come to this, it is your fault because you let them. Be aware, love yourself and save yourself for your family,” sambit pa nito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Justin (@thejustincuyugan)

 

Samantala, wala pa ring inilalabas na pahayag si Dawn tungkol sa nasabing isyu. Gayunpaman, dumadaan din si Dawn sa isang pagsubok ngayon base sa kanyang post sa Instagram.

“Note to self: There will come a time that some days will be harder than others. You will be confused and anxious with uncertainties and it would feel that the weight of the world is literally on your shoulders. When that day comes, I want you to know that you get to decide what happens next,” saad niya. 

“You get to decide how to react to whatever situation you are in. Remember Dawn, you are responsible for whatever is happening within you. So don’t let yourself be miserable. The world is not a battlefield like what they all say. It’s your mind, heart and soul that needs healing and you get to decide when to do that. Create a world that is beautiful and healthy in your head. The rest will follow,” dagdag pa niya. 

 

 

2018 nang aminin ni Dawn ang tungkol sa relasyon nila Justin sa panayam nito kay DJ Jhai Ho sa programang Hotspot. 

Lumabas si Justin sa iba’t-ibang programa ng Kapamilya network gaya ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Imortal, Magpahanggang Wakas, Pusong Ligaw, at Bagani.

Samantala, nakilala naman si Dawn bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother. Lumabas din ito sa mga programa gaya ng Wildflower at Ipaglaban Mo.

Maliban dito, naging host din si Dawn ng Umagang Kay Ganda at It’s Showtime Online Universe at naging miyembro ng GirlTrends. 

Nagkakilala ang dalawa sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan parehas silang lumabas noon.